Thursday, April 28, 2011

echoes of our hearts

-----

Sometimes we close our eyes and just listen to the echoes of our hearts. We all fall in love and there are times when we love so much that we lose ourselves in our emotions. More often than not, we wonder why there are love that grows, and love that grows cold. We would start to search for answers and try to find where love has gone wrong. But in the end, we find ourselves where we started for we cannot question love when it has its own reasons. Love will always be as it always has been....silent, mysterious and deeply profound.


Wednesday, April 27, 2011

litrato

dahil sa matinding pagkabagot ay naisipan ko na lang maghanap ng mga pictures na may "sense". at eto ang mga nakita ko....




astig nito, ginawa ko pa wallpaper.

Tuesday, April 26, 2011

ambulansyang de paa

noong nakaraang holy week ay napanood ko sa channel 11 ang isang documentary ni kara david tungkol sa isang lugar sa mindoro kung saan ginagamit nila ang kanilang mga paa bilang ambulansya. oo paa. dahil nakatira sila sa bundok, kelangan nila maglakad pababa para lang makapunta sa ospital. 

sobra akong naapektuhan sa napanood ko. hindi ko akalain na meron pa palang lugar sa pilipinas na katulad ng sa napanood ko. isa siyang malaking eye-opener para sa isang katulad kong taga-lungsod. 

gusto ko ibahagi sa inyo ang nasabing documentary na nanalo ng award sa ibang bansa. SANA panoorin niyo. hindi ako mapapahiya sa inyo.
















enjoy. :)

Thursday, April 14, 2011

miss universe

noong mga panahon na may bulutong ako, naisipan kong maghagilap sa YouTube ng mga nakakatawang videos para naman ma-distract ako lalo pa at makati at nakakairita magkaroon ng bulutong.


sa kahahanap ko, sa video ni chokoleit ako napadpad. ayun, lumpasay ako kakatawa nung napanood ko. pansamantala kong nakalimutan na may sakit ako dahil sa kakatawa. 


narito ang video ni chokoleit bilang miss universe. lumpasay talaga ko diyan lalo na kay ms. mongolia.:)









Monday, April 11, 2011

announcement

sa mga magiliw na tagasubaybay ni boy sabaw, malapit na po ang kanyang pagbabalik. sa ngayon po ay nagpapahinga at nagpapagaling siya matapos dapuan ng bulutong. asahan niyo pong sa mga susunod na araw ay muling kukulo at malalasahan niyo ulit ang makulit at masarap na sabaw ni boy sabaw. salamat! :D


--admin