nagpupunta sa mall mag-isa, allergic sa mga mag-syotang wagas kung mag-*tooot* sa harap mo, nagbabasa ng Precious Hearts Romances pocketbooks, yakap ang sarili habang naglalakad sa Bay Walk sa Roxas Blvd., nakatanaw sa Manila Bay, slow-mo ang paligid habang kumakanta si Eric Santos sa background. yan ang karaniwang eksena ng mga single. magiiba pa yang mga eksena na yan kapag umuulan at malamig ang panahon.
mga pananaw, ideya, kuru-kuro, hinanakit, pangarap at imahinasyon ng isang taong mahilig humigop ng sabaw.
Monday, February 13, 2012
single awareness month
kapag dumadating ang buwan ng February, karamihan sa mga single ay bigla na lang nagkakaroon ng selective amnesia, ipinaglilihi sa ampalaya, nagtatayo ng mga samahan at nawawalan ng 14 sa kalendaryo. eto kasi yung panahon kung saan puno ng mga korteng pusong kartolina at bulaklak ang mga malls, pa-sweet ang mga kanta sa radyo, mabenta ang mga bulaklak at chocolates at malakas ang kita ng sogo. ano nga bang meron? teka.......hmmmmm.... ano nga ba? di ko rin alam eh. hahaha
Subscribe to:
Posts (Atom)