-----
sigurado ako, marami sa inyo ang nakakakilala na kay Christopher Lao. siya yung lalaking nagalit sa mundo dahil hindi daw siya na-inform. para sa mga di nakakakilala, siya po yung laman ng mga blogs, Facebook, Twitter at umaani ng papuri at parangal sa Youtube ngayon dahil sa kasabawang ginawa niya: ang pagdaan sa isang malalalim na baha gamit ang kotse niya. resulta? lumutang ang kotse niya.
nakakatawa man yung ginawa niya, napatunayan kong kapag hindi ka na-inform, lulutang ang sasakyan mo sa baha. ay ewan. ayoko na nga mag-comment baka awayin pa niya ako. haha eto yung video...
------
kanina, habang nakapila ako sa paradahan ng tricycle ay napukaw ang aking paningin ng isang di ko maipaliwanag na imahe. haha.
di ko alam kung matatawa ako o mapipikon sa nakita ko.
naglalakad siya, isang tomboy, yung tipong nakasuot ng cargo shorts, gupit marino yung buhok, may belt bag at eto, wag ka, yung suot niyang t-shirt ang yumanig sa mundo ko. isang itim na statement shirt, ang nakasulat: "BABAERO".
napangiti na lang ako. napatingin tuloy yung babae sa harapan ko. baka inisip nun baliw ako dahil ngumingiti ako mag-isa. :D
-----
PLANKING.
sino kaya nagpauso nun? bakit niya naisipang ipauso yun? anong klaseng kaligayahan kaya ang nadarama niya kapag ginagawa niya yun?
yan ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko sa twing may nakikita akong taong nagpa-planking.
eto yung nauuso ngayon na may simpleng rule: dumapa kahit saan.
di ko talaga sila ma-gets. sila na ba ang pumalit sa ngayon ay nananahimik na mga jejemon? alagad ba sila ni PLANKTON ng Spongebob Squarepants? basta. naiirita ako kapag nakakakita ako ng mga pictures nila.
si kiko habang nagpa-planking. :D |
-----
nung isang araw, inatake ako ng isang klepto.
badtrip pare. ang daming kinuha. yung mga vcd's ko na binili ko gamit ang sarili kong pera. note:hindi po porn yun.
bakit kaya may mga taong klepto? ang mahirap pa dun, kilala ko yung kumuha ng mga gamit ko. at ang malupit dun, kamag-anak ko pa.
tinanong ko kung may kinuha ba siya. umamin naman siya pero ang rason niya sa akin, nakalimutan lang daw niya magpaalam dahil nagmamadali siya. ay potek. sabaw ng rason niya eh.
hindi naman ako madamot eh, ang sa akin lang, basta magpapaalam. yung konting respeto dun sa may-ari. madami pa siyang kinuha eh, sinabihan ko na lang siya na isauli lahat ng kinuha niya lalo na yung Trilogy ko ng SCARY MOVIE. :|
-----
at dahil badtrip ako sa nangyari na yun, pumunta na lang ako sa Booksale noong isang araw. madalas akong tambay dun, naghahagilap ng mga magagandang librong pwedeng idagdag sa koleksyon ko.
-----
madami pa sana ako ike-kwento pero tinatamad na ako eh.
sa susunod na lang ulit.
:D