Tuesday, March 01, 2011

unang putok

dahil March 1 ngayon at tambay na ulit ako, naisipan kong buhayin ulit ang blog ko. tutal madami na naman akong free time para sumulat at magkwento ng mga kung anu-anong bagay na pumapasok sa sinabawan kong utak.

yung totoo, mahilig talaga akong sumulat. kahit ano. kwento. tula. kanta. sanaysay. sumulat sa mga bus at mga kubeta. at kung anu-ano pang maisipan ko. minsan nga nagtataka ako kung bakit nursing ang kinuha kong course eh wala namang kinalaman dun yung mga hilig ko sa buhay. yaan mo na. ngayon pa ba ko magrereklamo kung kelan may lisensya na ako. :)

bakit sabaw ang pangalan ng blog ko? wala lang. na-inspire kase ako sa pangalan ng grupo ng mga korean teachers kung saan kabilang ang inyong abang lingkod. sabaw. hindi yung sabaw na libreng binibigay sa mga karinderya at hinihigop kapag gusto mong mainitan. 

sabaw adj. - isang estado ng kaisipan kung saan wala sa tamang pagiisip ang isang tao.

halimbawa:

boy1: tol, may hawak akong 2 apple sa kanan at 3 apple sa kaliwa. ilan lahat ang apple ko?

boy2: <tulo laway>

boy1: sabaw ka pare!

welcome sa mundo ko. dito masaya lang tayo. enjoy. steady lang. kung minsan may halong drama pero sakto lang. 

tara na at sabay sabay tayong magpakasabaw. :)



No comments:

Post a Comment