disclaimer: ang inyong mababasa ay walang kinalaman sa akin. kwento ito ng isang taong malapit sa akin at ang aking pananaw tungkol dito. ang mga pangalan ay binago para sa kapakanan ng biktima. lol. :D
-----
sabi nila, may dalawang bagay kung bakit nagbabago ang tao: masyadong nasaktan o may natutunan.
bahagi na ng buhay ang pagbabago. sabi nga sa isang famous quote, "there is nothing permanent in this world but change". pero minsan may mga taong o.a magbago katulad ni BB Gandanghari pero hindi ito tungkol sa kanya.
-----
naniniwala ka bang nagiging bulag ang isang tao pagdating sa pag-ibig? huwaaaaw. ang lalim di ba.
may mga tao kasing nagiging bulag kahit na niloloko na siya ng isang tao, eh ano nga naman magagawa eh mahal niya yung tao eh.
masyado talagang makapangyarihan ang pag-ibig. may iba na bigay lahat, all out, yung iba naman kung magmahal eh mula puyo hanggang kuko sa paa. kaya kapag nasaktan, lagapak at basag.
-----
si Randy (di niya tunay na pangalan) ay bread winner ng kanyang pamilya. maaga siyang nag-trabaho para makatulong at di kalaunan ay nag-abroad. sinuportahan niya ang pamilya hanggang sa guminhawa ang buhay nila. nagka-edad na rin siya dahil sa dedikasyon sa pamilya.
isang beses, na-in love si Randy, kaso sablay. ginamit lang siya nung babae. 2nd try, na-in love ulit siya pero niloko naman siya nung babae, pinagpalit sa mayamang lalaki. sawi ulit. 3rd try, na-in love ulit si Randy, pero gaya ng una, nabiktima lang siya ng isang opurtunistang babae. sawi ulit.
mid-30's na si Randy at gusto na lumagay sa tahimik, tutal nasuportahan na naman ang pamilya niya. wala namang kontra yung pamilya niya, karapatan niya yun at gusto lang din nila maging masaya na siya. basta ba wag na siya lolokohin ulit.
4th try, na-in love siya ulit. at sa wakas ikakasal na siya. eto na kaya ang babaeng para sa kanya?
kapag nai-in love kase si Randy, binibigay niya lahat, as in lahat na halos wala ng natitira sa kanya. kaya kapag iniiwan siya, wagas kung masaktan.
may kapatid siya, si Luigi, close sila dati pero nagbago lahat. napansin kase ni Luigi na nagbago na ang kapatid niya. hindi na ito tulad ng dati. isang beses, kumakain sila sa lamesa, tahimik lang sila, magkaharap pero pakiramdam ni Luigi sobrang layo ng kapatid niya.
tamang hinala si Luigi sa papakasalan ng kapatid niya, kaya nag-research siya tungkol sa babae. boom. nangangamoy opurtunista na naman.
sinarili na lang ni Luigi ang nalaman niya. nagiging bulag na naman kasi ang kapatid niya dahil sa sobrang pag-ibig.
wala namang hangad si Luigi kundi ang kapakanan ng kapatid niya. syempre, gusto niya rin sumaya si Randy. buong buhay niya sinuportahan niya ang pamilya niya at tama lang na magpakasal na siya. ang punto lang ni Luigi, sana hindi siya niloloko nung babae. na hindi lang ginagamit ang kapatid niya. kapag nagmahal kasi si Randy nagiging bulag.
ang punto ni Randy: mahal niya yung babae, handa niya itong pakasalan kahit na nagiging bulag na siya. wala siyang pakialam kung niloloko man siya. matanda na siya at gusto na niya lumagay sa tahimik.
ang punto ni Luigi: mahal niya yung kapatid niya. sana lang hindi ginagamit yung kapatid niya dahil gusto na rin naman nila maging masaya at lumagay sa tahimik si Randy.
-----
masyadong komplikado yung story nila. sa mga reader ko, ano ang masasabi niyo? ano ang masasabi niyo kay Randy, na bulag pagdating sa pag-ibig? at kay Luigi, nagiging selfish ba siya?
feel free to leave your comment.
ang may pinakamagandang comment ay mananalo ng 30 pesos load at ticket para sa concert ni Miley Cyrus. lol. :D
Hello Kiko! ang aking opinion tungkol dito ay… Sadyang may tao ganyan na nabubulag/nagbubulag-bulagan na lamang para mabuhay ng tahimik at matiwasay lalo na pagdating sa pagibig..siguro sinasarili muna ni Luigi ang nalalaman nya kasi baka pinakikiramdaman pa muna nya ang sitwasyon maganda din kasi ang nadudulot ng pagmamasid,tama at sapat na datos kasama na ng paghihintay ng tamang oras para sa mga bagay bagay. Maganda kung masasabihin ni Luigi sa kanyang kapatid na si Randy ang nalalaman at nararamdaman tungkol sa sitwasyon kung baga masinsinang usapan bilang magkapatid/lalaki. Tutal lahat naman ay nadadaan sa masinsinang usapan.Nagiging komplikado lang naman ang isang bagay kung tayo mismong tao ang gumagawa para maging komplikado ito. Sana maayos nila yan kagad.
ReplyDeleteanonymous- wow. thank you so much for that comment. very well said. yaan mo makakarating sa kanila. thank you for reading this post. :)
ReplyDelete