Wednesday, June 15, 2011

tough 10

nag-survey ako ng 100 na tao(karamihan ay imaginary friends ko) at ang top 10 answers ay nasa baba, ang tanong: ano ang mga mahihirap/kinatatakutan na mga bagay o sitwasyon na kadalasang hinaharap ng tao?

10. fear of having commitments - ang pagkakaroon ng commitment ay isang responsibilidad na kailangan mong panindigan at ipaglaban. siguro kaya may mga taong takot magkaroon ng commitment ay dahil hindi pa sila handa humarap sa mabigat na responsibilidad, hindi pa nila kayang panindigan at hindi pa nila kayang ipaglaban. pero minsan, it's a case to case basis. pwedeng may mga taong na-"trauma" sa past o naghihintay pa rin kay mr./ms. right. at higit sa lahat, it's a choice. kaya wala tayong karapatan husgahan sila kung gusto muna nilang magpaka-flirt at i-enjoy ang kalayaan bilang single.

9. being weak - may mga taong naiinis sa sarili nila kapag umiiyak sa paniniwalang isa itong sign ng pagiging weak. pero gaya ng laging sinasabi ng mga kaibigan natin, hindi kahinaan ang pag-iyak. wala naman talagang taong mahina at kung meron man matapang ang sinumang aamin na mahina siya.  kung paano mo tatanggapin yung kahinaan na yun ay naka-depende sa'yo, ika nga "it's all in the mind". dalawa lang naman ang pwede mong pagpilian: hayaang magpaapekto sa paniniwalang mahina ka o gamitin ang kahinaang ito para maging malakas at matatag kang tao. 

8. self-pity - minsan, hindi rin talaga maiiwasan na maawa ka sa sarili mo lalo na kapag sobrang down na down ka dahil sa mga problema. kahit ako, madalas maawa sa sarili ko lalo na kapag may mga bagay na sobrang tumatapak sa akin. pero imbes na magpaapekto ka, tumayo ka at lumaban. lalo ka lang made-depress kapag kinaawan mo pa ang sarili mo. lagi mo lang tandaan na isa kang espesyal na nilalang at hindi mo dapat kaawan ang sarili mo.

7. insecurities - walang taong perpekto, lahat tayo may flaws. pero minsan yung mga pangit na nakikita natin sa sarili natin ay masyadong malakas na halos makontrol na tayo nito. lalo lang itong lumalakas kapag may nakikita tayong mga taong nasa kanila yung mga magagandang bagay o katangian na sana ay na sa atin. nai-inggit tayo. pero ang pinakamagandang pwede natin gawin ay ang pagyakap at pagtanggap sa mga kapangitan na meron tayo at lagi natin tandaan na sa mata Niya, lahat tayo ay magaganda/gwapo at sapat na yun para magbago ang tingin natin sa mga  sarili natin.

6. taking risks - may mga taong takot mag-take ng risks. *ehem* takot silang baka masaktan at magkamali. kadalasan, eto yung mga taong walang nararating at napapatunayan sa buhay dahil  pinangungunahan sila ng takot. pero wala naman mawawala sa atin kung makikipagsapalaran tayo. magkamali man tayo o hindi, ang mahalaga ay may natutunan tayo at higit sa lahat ay naging matapang tayo sa pagtalon sa bangin ng walang kasiguraduhan.

5. comparison - isa ito sa pinakamasakit para sa akin. ang sakit na ikumpara ka lalo na sa mga taong may napatunayan na sa buhay habang ikaw ay nagsisimula pa lang sa iyong paglalakbay. at pinakamasakit sa lahat ay yung ikumpara ka mismo ng mga taong malalapit sa'yo, lalo na ng mga magulang natin. nakakababa ng self-esteem. pero isipin na lang natin na lahat tayo ay magkakaiba at may kanya-kanyang daan na tatahakin. nasa sa atin na lang yun kung magpapaapekto tayo o hindi.

4. facing the truth - sabi nila, ang pagharap sa katotohanan ay isa sa mga pinakamahirap gawin. bakit, siguro kasi hindi natin alam kung kakayanin ba natin itong harapin at tanggapin. pero ika nga ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. hindi ito dapat katakutan o iwasan dahil ang pagharap sa katotohanan ay isa sa mga instrumento para tuluyan tayong mamulat sa realidad ng buhay at may lakas ng loob para harapin ang bukas.

3. loss - masakit ang mawalan, bagay man o tao, lalo na kapag yung nawala ay malapit sa puso natin. para itong isang bangungot na gusto nating iwasan. pero ganun talaga ang buhay, may mawawala dahil merong darating. at kung anuman yung nawala, sa takdang panahon, babalik ito sa atin, hindi man pareho, pero sapat na para magpatuloy tayo sa buhay.

2. rejection - kahit na sinong tao ay gusto na matanggap siya ng lipunan na kinabibilangan niya pero minsan ay nare-reject pa rin tayo. lahat tayo na-reject na isang beses sa buhay natin, sa trabaho, sa school, sa barkada o kahit sa pamilya natin. masakit, oo, pero kailangan mo itong tanggapin. kahit kelan ay hindi natin mapi-please ang sinuman. isipin mo na lang na darating din ang takdang panahon na may tatanggap sa iyo sa kung ano ka bilang tao at hindi sa kung ano ang gusto nila maging ikaw.

1. failure - sa kahit na anong laban, may nananalo at may natatalo. that's constant. mahirap tanggapin ang pagkatalo. iisipin mo kung ano ba ang kulang sa'yo o ano ba yung hindi mo nagawa. pero isipin mo na lang na lahat ng successful people na nakikita mo sa dyaryo o tv ay nakaranas ng pagkatalo isang beses sa buhay nila. hindi sila nagpaapekto at ginamit ang failures nila bilang stepping stone para maging mas matatag at matagumpay sa buhay. nasa isip mo lang naman lahat at naka-depende ito sa kung paano mo titingnan ang pagkatalo mo.

---------
lahat naman siguro yan naranasan natin. pero naniniwala ako sa mentalidad na  naka-depende ang lahat sa kung paano mo titingnan ang mga hamon  na nararanasan mo. samahan mo pa ng dasal at matibay na pananalig sa Kanya, walang kahit na anong laban ang hindi mo mapapagtagumpayan. :)

4 comments:

  1. survey ba talaga yaaaan? ikaw lang yan eh!

    hahahahaha! :)) kidding!

    ReplyDelete
  2. alam mo namang schizo ako, minsan. hahaha :D

    ReplyDelete
  3. APPROVE PARANG NUNG ISANG ARAW PINAGUSAPAN LANG NATIN YAN. MAY HANGOVER AKO EVERYDAY. POTA!!

    ReplyDelete