ang dami ng nangyayari ngayon. sa sobrang dami, bigla ko tuloy naisipang gumawa ng entry at magbigay ng opinyon sa bawat kaganapan na gumugulo sa tahimik kong mundo.(wow ha)
1. Ititigil na ang pagvo-volunteer ng mga nurses.
ayos, paano na ang mga nurses na hanggang ngayon ay wala pa ring trabaho at umaasa na lang na matatanggap bilang volunteer sa mga ospital. kasama ako dun. ayon kasi sa DOH, may ibang ospital daw kasi na naniningil ng "training fee" para makapasok ang isang nurse. hindi nga naman daw makatao yun. sabi pa, hindi naman daw counted as working experience ang pagvo-volunteer. yung mga ospital kasi sa ibang bansa eh kailangan "working experience" talaga at hindi ino-honor ang "volunteer work". basag ang pangarap namin.
ano kayang gagawin ng gobyerno sa isyung ito? ma-tweet nga si PNOY. kaya tuloy yung ibang nurses humahanap na lang ng ibang trabaho kahit malayo sa pinag-aralan nila. buti na lang may mga call center, korean schools at ibang medical companies na tumatanggap sa aming mga nurses.
paging Ms. Florence Nightingale (ang ina ng mga nurses), any comments?
2. Barilan sa mga malls
eto medyo okot. so far may dalawa ng incidents ng pamamaril sa magkaibang branch ng SM. at parehong may kinalaman ang pag-ibig sa mga kaganapan na ito.
yung ibang gardo (security guard) kasi eh parang sabaw lang mag-inspect. yung iba nga parang namumunas lang kapag kinakapkapan ka habang busy silang nagke-kwentuhan ng kapwa niya gardo. yung mahiwagang stick, na hanggang ngayon ay iniisip ko kung drum sticks ba yun, eh parang napadaan lang. sana magkaroon ang mga mall nung parang sa mga airport, hindi yung x-ray machine ha, basta yung parang pinto na kapag dumaan ka eh tutunog kapag may metal ka sa katawan.
at sana may mga love expert din sa mga mall katulad ni Papa Jack para naman may mahingian ng advice yung mga may love problems para di na mauwi sa barilan.
3. Bago ang Facebook
kahapon ko lang ito napansin pero pramis muntik na akong tumambling dahil naguluhan ako ng sobra. parang twitter na siya eh. basta magulo. nakakalito. nakakasabaw.
siguro nasanay lang tayong mga users ng fb dun sa dati niyang look na simple at madaling intindihin. kaya naman nagulat at halos murahin na natin yung mga monitors ng pc natin dahil sa magulong pagbabago sa fb. sana ibalik na lang nila yung dati. sa mga pagbabagong ginagawa nila, halos hindi pumapatok sa madlang pipol eh. baka dumating din yung panahon na may makaimbento ng bagong social networking site gaya ng fb na mas madali at mas cool at maglipatan dun ang mga users ng fb dahil hindi na nila ma-gets ang mga pakulo ni Mark Zuckerberg.
yo Zuckerburg, you zucks man!
4. Ikakasal na daw si Shalani Soledad
ano namang pakialam ko kung ikakasal si shalani? yayaman ba ako? maibabalik ba nito ang dating facebook? uunlad ba ang Pilipinas? tataba ba ako? next na nga..
5. Malapit na Birthday ko
uyy, totoo yan. ilang araw na lang, 22 na ako. ang tanda ko na. well, saka na ako magpo-post ng tungkol sa birthday ko. hehe. sana may magregalo sa akin ng libro. masaya na ako dun. haha.
-----------
hay, sa dami ng mga pangyayari ngayon, nais ko kayong iwan ng isang inspirational photo at video na nakita ko sa internet. sana ay gamitin niyo itong inspirasyon sa pagharap niyo sa araw-araw na buhay. :)
nice kiko..you never let me down..ansakit nanaman ng lalamunan ko sa kakapigil sa pagtawa..hope you'll keep on serving us itong mga maiinit na mga sabaw mo..;p
ReplyDeleteby the by..its me..you're friendly neighborhood..janel..;p
ReplyDeletehahaha. salamat sa pagdalaw sa aking blog. hayaan mo at patuloy akong magse-serve ng maiinit na sabaw sa blog na ito. haha :D
ReplyDelete