nagpupunta sa mall mag-isa, allergic sa mga mag-syotang wagas kung mag-*tooot* sa harap mo, nagbabasa ng Precious Hearts Romances pocketbooks, yakap ang sarili habang naglalakad sa Bay Walk sa Roxas Blvd., nakatanaw sa Manila Bay, slow-mo ang paligid habang kumakanta si Eric Santos sa background. yan ang karaniwang eksena ng mga single. magiiba pa yang mga eksena na yan kapag umuulan at malamig ang panahon.
------
masarap maging single. malaya kang gawin ang anumang bagay na gusto mo na walang pipigil o magagalit sa'yo. walang magseselos at walang maghihimutok. malaya kang sumipat ng mga may itsurang makakasalubong mo sa malls, makakatabi sa jeep at bus, o makakabangga sa Bay Walk sa Roxas Blvd. di mo rin kailangan gumastos, kung gagastos ka man yun eh para sa sarili mo lang o panlibre sa mga tropa mong single din. marami pang perks ang pagiging single, dahil kapag single ka dapat ready ka to mingle.
pero sa kahit na anong bagay, lahat ng sobra ay masama, nakakalason at nakakamatay.......sa inggit. ajejeje
syempre may mga kasabawan din ang pagiging single. halimbawa, invited ka sa isang event, tapos pagdating mo dun puro couples pala yung present dun, lahat magkayakap at sweet tapos na-realize mong kasalang bayan pala yung napuntahan mo at nagkamali ka lang. sabaw di ba. pero syempre di mo rin maiiwasang mainggit sa tuwing makakakita ka ng couples. yung tipong mapapaisip ka na sana ikaw din may kayakap, may sweet din sa'yo at may magsusubo ng pagkain sa bibig mo. eh kaso wala, kuliglig sounds lang ang maririnig mo.
masarap din yung pakiramdam na inlove ka. yung tipong sa sobrang inlove mo eh tuwing umaga pagkagising mo eh idadaan mo sa pagkanta yung pagbati ng good morning katulad nung babaeng pa-sweet sa commercial ng nescafe. tapos yung tipong may nagaalala sa'yo bukod sa nanay mo na tatanungin ka kung kumain ka na, anong ginagawa mo, saan ka pupunta, magkano ang tuition fee mo o nakautot ka na ba. mga ganun. hehe
------
ang pagiging single ay isang choice. nasa tao yan kung gusto niya munang maging single o may makakasama. marami din kasing factors kung bakit mas pinipili ng isang tao maging single.
kung panganay ka at ikaw ang breadwinner ng pamilya, siguro single ka pa rin hanggang ngayon. may mga tao kasi, lalo na yung mga panganay na anak, na mas pinipili muna tumulong sa pamilya at isinasantabi ang personal na kaligayahan. nakatatak sa isip nila yung responsibilidad na tumulong muna sa pamilya bago ang sarili. sila yung mga taong dapat bigyan ng papuri at parangal.
may iba naman na takot sa relationship. sila yung mga taong takot mag-take ng risk, takot masaktan at takot magmahal. pwedeng na-trauma sila sa past relationships nila, niloko, ginamit, pinaglaruan o munti ma-rape. masyado silang nasaktan kaya takot na silang magmahal muli. yung iba naman eh sadyang torpe lang talaga. sila yung mga taong di makagawa ng first move dahil takot sa rejection o mapahiya kaya palaging playing safe. sila yung mga taong masarap sunugin ng buhay. (shit, nagaapoy yung paa ko! hahaha)
may iba naman na kaya single pa rin ay dahil meron silang "calling". sila yung sa bandang huli eh pumapasok sa kumbento o seminaryo para maging pari o madre.
yung iba naman, kaya single pa rin hanggang ngayon ay dahil naniniwala silang may nakatadhana sa kanila at kailangan lang nila maghintay. motto nila ang "patience is a virtue". naniniwala sila sa destiny, serendipity, at walang hanggang pagibig. epekto siguro ng panonood ng mga teleserye at pagbabasa ng pocket books. wala namang masama dito, ako kasi naniniwala na may nakatakdang tao para sa ating lahat pero di ako nagbabasa ng mga pocketbooks ah. ang masama lang eh kung masyado nang naapektuhan ng mga pinapanood natin ang ating kaisipan na gusto natin pati yung nangyayari sa palabas eh nangyayari din sa atin. sila yung mnga taong masarap buhusan ng cuticle remover para magising.
------
kaakibat ng pagiging single ang kalayaan, kaya nga tuwing Feb.14 kadalasan pinagdiriwang ng mga single ang Independence day eh kasabay ng pagkain ng ampalaya. masaya na malungkot maging single pero nasa tao pa rin naman yun kung paano niya tatanggapin ang estado na kinatatayuan niya ngayon. pwede pa rin naman maging masaya kahit single, nandiyan ang barkada para damayan at samahan ka sa kalokohan at kulitan. nandiyan ang pamilya.
pana-panahon lang naman yan eh. kung single ang relationship status mo ngayon sa facebook, malay mo mamayang gabi "in a relationship" ka na. basta dapat marunong kang maghintay, tapos sabayan mo pa ng sipag at tiyaga, darating din naman siya sa takdang panahon, sa tamang oras at pagkakataon. enjoy lang muna, sulitin ang buhay single dahil magbabago ang lahat kapag nagkaroon ka na ng bf/gf.
magpacute, magenjoy at magpakasaya.
Happy Single Awareness Month sa atin! :)
i so like your blogs!
ReplyDeletehello anonymous! maraming salamat. :)
ReplyDeletemalamang malapit na kitang sunugin ng buhay..... hehehe.... :))
ReplyDelete