tingin ko medyo malala na. pero dati nawala na to eh, bumalik lang ulit ngayon.
hindi naman siya nakakahawa eh. tingin ko naman may ganito ka ring sakit. hindi mo lang siguro napapansin.
obsessive-compulsive disorder. o mas kilala sa tawag na OC-OC. positive ako diyan.
nagsimula ang lahat ng iyan nung high school ako. pero dahil medyo matagal na yun at wala na ako halos matandaan, skip na lang ako sa present.
paano ko nasabing oc-oc ako? madami na akong nabasang mga sintomas ng pagiging oc-oc sa libro o internet. at halos karamihan dun ay meron ako. (habang tina-type ko yung huling sentence na yun eh nagulo sa pagkakaayos yung baryang maayos kong sinalansan kanina, inayos ko ulit, kelangan pantay)
eto ang ilan sa mga pagpapatunay na oc-oc ako.
note: hindi po ito gawa-gawa o exaggeration, totoo ko po itong nararanasan.
1. kapag ila-lock ko ang gate namin, nagbibilang ako ng 1-10 ng tatlong beses para masigurong na-lock ko talaga.
2. may pangalan kase yung kumot ko. ang gusto ko kapag gagamitin ko yun, yung pangalan ko eh hindi nakabaliktad. kelangan mababasa ng taong titingin sa kumot ko yung pangalan ko. gets?
3. nakaayos from biggest to smallest ang mga libro ko.
4. nakatiklop ang pera ko sa wallet sa paraang nakaharap ang mukha ng mga presidente sa akin.
5. kapag nanonood ako ng tv, gusto ko nasa kanan yung remote at nasa kaliwa naman yung cell phone ko.
aw. ilan lang yan sa mga ka-oc-oc-an ko. nabawasan na nga yan kahit paano. marami pa ako dati. napigilan o pinipigilan ko lang. kahit mahirap. parang pinipigilan mo yung utot mo na huwag lumabas.
sabi nila, isa sa mga solusyon para malabanan ang sakit na ito eh ang matutuhan mong kontrolin ang sarili mo sa paggawa ng mga bagay na minsan eh di na normal. oo mahirap. pero kelangan gawin.
hindi ako baliw. oc-oc lang talaga. ikaw din naman oc-oc, di mo lang napapansin. haha. :)
AHAHA! Naalala ko yung number 1. Nakwento mo yan samin dati. :))
ReplyDeleteOk lang ulitin? HAHA
haha salamat LURE sa comment. :)
ReplyDelete