Thursday, March 03, 2011

pare, gamol ka ba?

"yung totoo, gaano ka ka-gamol?" 

isa yan sa mga paborito kong expression kapag nakikipagkulitan sa mga kaibigan ko. 

ano nga ba ang gamol?

ang salitang "gamol" ay nanggaling sa salitang Greek na "gamora" na ang ibig sabihin ay "hindi naaayon". pero syempre, imbento ko lang yun.

ang alam ko, ang salitang "gamol" ay nanggaling at pinauso ni Andrew E. natatandaan ko pa dati, may napanood akong pelikula nila ni Sharon Cuneta na ang title ay "Si Mega at Si Gamol". baka dun yun nakuha.

ang gamol kase ay isang salitang kalye na ibig sabihin eh, uhm, hmm, ano kase, parang,.... aha! magbibigay na lang ako ng example.

may mag-syotang kumakain sa mamahaling restaurant:

boy: nagustuhan mo ba yung pagkain?

girl: oo naman. (sabay talsik ng isang hibla ng karne mula sa bibig)

boy: baby, ang gamol mo!

girl: fuck. break na tayo.

ayun. ganun ang gamol.  tutal napapag-usapan na rin naman ang mga salitang kalye. narito ang ilan sa mga paborito ko.


1.BAKTOL— ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa  kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng  nabubulok na bayabas. Ito’y  dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. 



2.KUKURIKAPU— libag sa ilalim ng boobs. Madalas  na  namumuo dahil sa labis na baby powder na nilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae.



Mga KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.



3.MULMUL— buhok sa gitna ng isang nunal, mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. subalit hindi  talaga ito  naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang  kung ipapa-laser ito



4.BURNIK— taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. ang BURNIK ay mahirap alisin,lalo na kapag natuyo na ito, ipinapayo sa mga may BURNIK  na  maligo na lamang upang ito’y maalis.




5.ALPOMBRA— kasuotan sa paa na kadalasang  makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo. Ito’y may makipot na suotan ng  paa, at manipis na  swelas  Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang  suot ng mga lalaki , available in blue, red, green, etc.




6.BAKOKANG— higanteng peklat. Ito’y madalas na  dulot ng mga sugat na  malaki. imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito’y mayroong  makintab na takip.




7.AGIHAP— libag na dumikit sa panty o brief dahil  sa labis na pagmamahal sa suot panloob. nabubuo ang  AGIHAP kung ang  panty o brief ay nasuot na ng hindi bababa sa tatlong araw.




8.DUKIT— itoy ang amoy na nakukuha kung isinabit  mo  ang daliri mo sa iyong puwit….try it to prove  it, thats DUKIT.




9.SPONGKLONG - ito’y isang bagong wika na  nangangahulugan sa isang estupidong tao.



10.LAPONGGA - ito’s kahintulad sa laplapan o kaya ay  lamasan.



11.WENEKLEK - ito ang buhok sa utong na kadalasang  nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad.  Meron din ang babae  nito.



12.BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.



13.BAKTI — bakat panty



14.ASOGUE — buhok sa kilikili



15.BARNAKOLI — maitim na libag sa batok na naipon  sa  matagal na panahon



16.BULTOKACHI - tubig na tumatalsik sa pwet kapag  nalalaglag ang isang malaking ebak



17.BUTUYTUY - etits ng bata



18.JABARR - pawis ng katawan



19.KALAMANTUTAY - mabahong pangalan



20.MCARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush.


takdang aralin: i-memorize ang mga salitang kalyeng nabanggit para sa short quiz bukas. :)

8 comments:

  1. WAHAHAHAHAHAHAHAHAH TAENA BENTA! Lalo na yung example ng gamol HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  2. thanks fat. more to come. :)

    ReplyDelete
  3. hahahahaha! puchaaaa! dame ko tawa! *lupasay*
    bentaaaa kemsss! super like :DD

    ReplyDelete
  4. Ha ha! Like this Kiko.. May bago ka ng fan!

    ReplyDelete
  5. thanks ate lanie!!! haha. :D

    ReplyDelete
  6. wahaha..funny..some words are familiar..of course..kanino ko pa ba maririnig un??..hahaha..pero ung iba..ni hindi ko maimagine kung san napulot..hahaha..XD

    ReplyDelete