sa tangkad kong ito, isa ang pagsasayaw sa hilig ko. oo. tama ang nabasa mo. konting tao lang kase ang nakakaalam sa lihim kong talentong ito. ajejeje
iba kase ang pakiramdam kapag sumasayaw. parang malaya ka ipahiwatig ang nadarama mo sa saliw ng musika. sa tuwing sumasayaw ako, pakiramdam ko ay dumadaloy sa dugo ko ang bawat beat ng musikang pinapakinggan ko na nagpapagalaw sa katawan ko. kakaibang high ikanga.
hindi ko matandaan kung kelan ako nagsimulang sumayaw. pero ayon sa alamat, nagsimula daw ako umindak nung bata ako kapag naririnig ko yung (according sa sources ko) paborito kong kanta sa radyo. nakalimutan ko na yung title nung kanta pero parang bulate daw ako na nabudburan ng asin kapag pinapatugtog na yun sa radyo. and the rest is history. (wow)
nung elementary naman ako, uso yung sayawan pagkatapos ng flag ceremony. pagkatapos mong kumanta ng Lupang Hinirang at manumpa sa saliw ng Panatang Makabayan eh kasunod na nun ang tila party-party at jamming ng mga paboritong kanta ng mga teachers ko. Uptown Girls, Macarena, My Heart Goes Shalala(clap, clap, clap) at marami pang iba. natatandaan ko pa na gumawa ang P.E teacher namin noon ng choreo para sa kantang Uptown GIrls ng Westlife and wait, there's more!, hindi lang basta ordinaryong steps ang ginawa niya kundi L.A WALK lang naman. at hindi lang yun basta-basta L.A WALK, ginawan niya yun ng iba't-ibang klase na nakalimutan ko na. pero automatic na yun, pagkatapos ng flag ceremony, patutugtugin na ni DJ M.O.D yung Uptown Girls at magsasayaw na ang lahat ng mga student ng imortal na L.A WALK na pwedeng ipanlaban sa Guiness.
nung high school naman ako, uso ang field demo. eto yung magsasayaw ang bawat year level at magkukumpetensya para sa pinakamimithing trophy at karangalang tanghalin na pinakamagaling sa buong high school. eto medyo malupit, magastos at mabusisi. kelangan pare-pareho lahat ng costume, props at maging medyas at panyo. ang masaya lang dun eh yung praktis, ibig sabihin excuse kayo sa kung ano mang subjects na matatamaan sa praktis niyo. yebah!.
nauso din nun ang mga cultural at interpretative dances na kung saan medyo suki ang inyong lingkod. natatandaan ko pa, one time, sinali kame ng school sa isang dance competition at cultural ang sinayaw namin. kakaiba yung sayaw namin kase ang props namin nun eh dahon ng buko at yung costume namin eh pang-moro. malupit yung steps at may liftings pa, pati paghamapas ng dahon ng buko eh kalkulado at kasama sa countings. pero sa kasamaang palad hindi kami nanalo kase pumalya kame sa liftings at nalaglag yung kasama namin.
nung college naman, medyo nagpahinga ko sa pagsasayaw. may dance troupe nga sa school namin eh pero kahit gusto ko mag-audition eh mas pinili kong mag-focus sa pag-aaral. pero syempre joke lang yung pag-fo-focus sa pagaaral. ajeje
naging bahagi pa rin ako at sumayaw sa mga group dance sa P.E nung college, sa cheer dancing nung sports fest(isang beses lang ako sumali sa cheering, natalo pa) at pagsasayaw sa O.R.
------
sabi nila, lahat ng tao marunong sumayaw. palusot lang yung pareho kaliwa yung paa. hindi naman kelangan gumalaw ka gaya ng Street Boys at mag-split gaya ng Sexbomb o shumembot katulad ng E.B Babes para masabing dancer ka. minsan yung simpleng pag-galaw mo ng ulo o pag-snap ng fingers habang gumagalaw ang mga braso mo o pag-tap ng paa habang nakikinig ng music eh matatawag na pagsasayaw na rin.
isa sa mga pangarap ko eh ang makapag-practice at maka-sayaw sa isang dance studio. yung malaki, malawak at maraming salamin. ang angas kase ng pakiramdam nun. makikita mo ang bawat galaw ng katawan mo at ang bawat pitik ng ulo mo.
isa pa sa mga pangarap ko eh yung sumayaw habang umuulan ng confetti. parang yung sa mga napapanood natin sa t.v. ganun. ang sarap nun.
sa ngayon, ang hilig ko eh yung mga tamang hip-hop, contemporary at jazz na sayaw. wala lang parang ang angas kase.
aw, nakakamiss sumayaw. T___T
------
ang pagsasayaw ay buhay para sa ilan. sa iba naman, ito ang paraan nila para ma-express ang sarili nila. dahil ang pagsasayaw ay parang takbo ng buhay natin. minsan kelangan mo lang sabayan yung beat ng tugtog. dahil katulad sa pagsasayaw, ang mga steps na gagawin mo o magagawa mo ang siyang magiging daan para maramdaman mo ang kalayaan na inaasam mo.
No comments:
Post a Comment