bukod sa pakikipag-tsisimisan, ang isa sa hilig ng mga tipikal na pinoy eh ang panonood ng mga teleserye. hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi napapanood ang paborito nilang drama sa tv. hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi sila nainis sa kontrabidang laging inaapi ang bida. at lalong mas hindi kumpleto ang araw nila kapag hindi sila naki-iyak sa drama ng buhay ng bida.
nung bata ako maging hanggang ngayon eh nanonood din ako ng mga drama pero hindi lahat. pili lang. kung ano lang yung ma-tripan ko at magustuhan kong title.
nung kelan lang, kumalat sa internet ang video ng isang batang halos lumuha na ng dugo dahil sa kalungkutan na nadama nung namatay ang paborito niyang character sa teleserye. ang benta nung video eh. tawa ako ng tawa. lumpasay pa nga eh.
pero meron din akong experience na kagaya ng ganyan, sayang nga hindi ko nakunan ng video. ganito yung eksena.
kiko: pabili pooooo. hany nga, tatlo.
ate tindera: (lumabas na umiiyak) ano?! (sabay pahid ng luha)
kiko: ate, bakit ka umiiyak??
ate tindera: (hikbi) patay na kasi si mara.
hindi ko alam kung matatawa ako o dadamayan ko si ate sa kalungkutan na nadama niya. pero dahil nasabaw ako sa pangyayari binigyan ko sya ng magandang words of wisdom.
kiko: naku, buhay pa yan si mara. wag ka mawalan ng pag-asa. bida yan eh.
dahil na rin sa panonood ng teleserye, eh napansin kong halos pare-pareho lang ang mga pangyayari dito. may pagbabago man sila na gawin, eh halos pareho pa rin naman. eto ang ilan sa mga napansin ko.
1. nagsisimula ang lahat sa isang engrandeng eksena. kasal. binyag. birthday. o patay. basta engrande.
2. magsisimula ang kwento nung bata pa ang mga bida. tapos magaantay tayo ng ilang araw bago sila lumaki.
3. kapag maghihiwalay na ang mga batang bida, lagi silang nagbibigay ng "remembrance" sa isa't-isa. kwintas, bracelet, laruan, straw, tsinelas, bag, lata o sako kadalasan. at ito ang magiging susi para makilala nila ang isa't-isa sa future.
4. laging may mayaman at mahirap. kadalasan si lalaki ang mayaman at si babae ang mahirap.
5. madalas na galing america si lalaki at babalik lang sa pinas para ayusin ang business. samantalang si babae eh magiging tindera sa palengke, o magiging magsasaka o dealer ng avon.
6. laging masungit si mommy ni lalaki. magarbo manamit. may shades. may sosyal na bag at mga body guards. mapang-lait din sya.
7. si babae naman pati ang nanay niya, ganito kadalasan ang porma: nakatali ang buhok, nakasuot ng bistida at mahabang palda, hindi mawawala ang hawak na PITAKA at plastic bag na may lamang pansit.
8. kadalasang hindi inaasahan magkita si lalaki at babae. tapos magiging magkaaway sila kunyari kesyo bastos si lalaki at di makabasag-pinggan si babae.
9. laging may malanding babae na patay na patay sa bidang lalaki. at kadalasan eto ang gusto ni mommy para sa kanya.
10. mortal na magkaaway ang pamilya ni lalaki at babae.
11. si babae laging may side kick na bading o nakakatawang babae. samantalang si lalaki naman eh laging may kasamang kaibigang lalaki na mayaman din.
12. lihim ang pag-iibigan ni lalaki at babae na ikagagalit ni mommy at ng malanding babae.
13. gagawa ng masamang plano si malanding babae sa tulong ni mommy para pigilan ang pag-iibigan ni lalaki at babae. kapag nagpa-plano sila, madalas na may hawak silang wine glass at yosi. sabay titingin sa bintana at tatawa.
14. laging may mga goons na tauhan si mommy namely bruno, gaston, gustavo, rodrigo at rigor.
15. palaging may eksena na inaapi si babae. hindi yun mawawala. pero hindi sya lumalaban. lagi lang sya iiyak at nakalumpasay sa sahig habang pinupulot ang natapong pansit.
16. laging may malupit na sikreto ang pamilya.
17. lagi ring may eksena sa palengke, warehouse, park, ilog, bubong, sementeryo, kubeta, mall, at simbahan. dito kadalasan nagaganap an mga pa-sweet na eksena kasabay ng pagtugtog ng theme song ng teleserye.
18. laging may kikidnapin at igagapos gamit ang lubid. minsan kadena para sure.
19. siyam ang buhay ni kontrabida. kahit masabugan na sya, buhay pa rin at manggugulo. kahit makulong na, makakatakas sya sa tulong ni gaston.
20. sa huling araw ng teleserye, ikakasal sila babae at lalaki PERO lalabas si kontrabida at manggugulo.
21. may eksena pa sa sasakyan na pagewang-gewang sa kalsada kase nagaagawan si bida at kontrabida kung sino magda-drive.
21. sa bandang huli, malalaman ni bida na mayaman pala sya at ipinatapon lang siya ng kontrabida dahil gusto masamsam ni kontrabida ang lahat ng kayamanan.
ilan lang yan sa mga napansin ko. siguro ikaw din may mga napapansin na wala sa listahan ko. pero anu't-ano pa man, malaking bahagi na ng buhay ng mga pinoy ang teleserye. dahil hangga't may teleserye, may rason pa rin ang mga pinoy para tumawa, umiyak, kiligin, mainis at magalit. bakit? siguro kase, paminsan, nakaka-relate ang ilan sa buhay ng bida. yaan mo na. trip nila yun. walang basagan ng trip. :D
kiko..nalimutan mo pa..hinding hindi mabubuo ang teleserye pag hindi nagka-amnesia yung bida dahil sa aksidenteng pakana ng kontrabida..at ang mga aksidenteng ito ay maaaring manggaling sa muntik na pagkalunod, pagkahulog sa bangin, pagsabog ng bomba, pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo at pagka-tisod..tapos magbabalik ang bida na gamit ang ibang pangalan tulad ng "Marisol" at maghahasik ng lagim sa kontrabidang nag-akala na patay na xa..hahaha..XD
ReplyDeletexhems!..naalala ko tuloy si bruno at rigor..hai..asan na kaya yung dalawang yun?..
good times..good times..hahaha..XD