Sunday, October 23, 2011

middle child syndrome

ang middle child syndrome ay nangyayari at pinagdadaanan ng mga middle child (syempre). hindi ito sakit tulad ng SARS, H1N1, buni, beke, at kuliti pero halos karamihan ng middle child ay pinagdadaanan diumano ito ayon sa ilang psychiatrist na may matatabang utak.


bunso ako sa limang magkakapatid kaya di siguro ako makaka-relate dito pero bilang napukaw ang atensyon kong pang-3 years old, ay nais ko itong ibahagi sa inyo dahil baka isa sa mga mambabasa ko dito ay middle child.


ayon sa aking mabusising pagsasaliksik sa internet at National Library, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng middle child syndrome ang isang middle child. una na diyan yung lack of emotional support mula sa mga magulang. 


halimbawa, sa tatlong magkakapatid, kadalasan na mas pinapaboran yung panganay o yung bunso. dahil panganay, sila ang bread winner ng pamilya na kadalasan eh naliligo ng papuri mula sa mga magulang. habang si bunso naman, bilang "baby" ng pamilya eh naliligo naman ng atensyon. at si gitna, ayun, laging kinukumpara sa panganay at iniitcha-pwera dahil kay bunso. resulta, bumababa ang self esteem nila. nagkakaroon sila ng feeling of emptiness, nagiging lonely at jealous. minsan weird, unfriendly at worst nagiging psychotic. 


pakiramdam tuloy nila hindi sila belong, they are ignored and sometimes they feel insecure. they sometimes feel out of place. (shit, english yun ha)


ang mga middle child din ay kadalasang nagkakaroon ng identity crisis. sinasabihan sila na maging good follower at gayahin ang mga mabubuting bagay na ginagawa ng ate o kuya nila, pero sinasabihan ding maging good leader para naman sa nakababatang kapatid. pagdating naman sa away eh ganito kadalasan ang eksena:


SCENE1 : nag-aaway ang panganay na si Pedro at ang middle child na si Pepito 


Pedro: Ma! Si Pepito oh, sinasagot-sagot ako!
Mama: Pepito, wag kang lalaban sa kuya mo, tandaan mo mas matanda siya sa'yo!
Pepito: (pabulong) WTF!


SCENE 2: nag-aaway naman ang middle child na si Pepito at bunsong si Petra.

Petra: Ma! Si kuya Pepito, inaaway ako!
Mama: Pepito, wag mong patulan yang kapatid mo, tandaan mo mas bata yan sa'yo!
Pepito: (pabulong) WTF!

ending, ayun laging talo si middle child. hindi na alam kung saan lulugar. nagkakaroon tuloy sila ng bahala-na-mentality sa kagustuhan na sumawa ng sariling identity.

pero, hindi naman lahat eh puro negative lang. may magagandang side din naman ang pagiging middle child.

sabi nila, ang mga middle child daw ay magaling umunawa dahil natututo silang makisama sa mas matanda at mas bata sa kanila. mas natututo din silang gumawa ng ibang bagay dahil mas madami silang sinusubukang magawa. mga creative at artistic din sila. mas understanding at flexible din sila dahil alam nila kung paano maging mabuting leader at follower. dahil din minsan lonely sila, mas natututo silang maging independent sa mga bagay na gusto nilang gawin. magaling din silang pumagitna at gawing ok ang lahat.

----------

ang sa akin lang, siguro hindi naman lahat ng middle child eh ganito ang pinagdadaanan. nakadepende din kasi lahat ito sa kung paano sila pinalaki ng mga magulang nila. at siguro hindi magkakaroon ng ganitong syndrome kung patas at walang favoritism ang mga magulang. lahat naman tayo may pinagdadaanan, na sa atin na lang yun kung paano natin ito tatanggapin at lalabanan.

No comments:

Post a Comment