Friday, November 25, 2011

just sayin'

napapansin ko lately na puro heart-broken ang mga tao sa paligid ko. may iniwan, may pinagtatabuyan, may niloko at may nagpapakamartir. medyo nababahala na nga ako kasi parang dumadami sila, sign na ba ito ng climate change? 


siguro, isa na marahil ang pagmo-move on sa pinakamahirap na bahagi ng isang failed relationship. bakit? kasi ito na yung point kung saan kailangan mo nang talikuran ang lahat ng masasakit na nangyari para iligtas naman ang sarili mo. kailangan mong harapin yung katotohanan na tapos na ang lahat at kahit na ano pang gawin mo, kumain ka man ng apoy o bunutin ang buhok sa ilong, eh wala na talagang mangyayari para maisalba ang love story niyo. mahirap, oo, pero kailangan.


sabi nga ni papa jack, "kahit mahal mo siya, may pagkakataon na kailangan nating magpaalam."


hindi ito one-night process. it takes time. pero ang mahalaga, ay yung courage na meron ka para harapin ang katotohanang tapos na ang lahat at kailangan niyo ng maghiwalay ng landas.


matapang ka kung kaya mong ipaglaban ang taong mahal mo. pero mas matapang ka kung kaya mo siyang pakawalan.


sa kahit na anong experience na pinagdadaanan ng isang tao, laging may moral lesson na kaakibat. at yun, para sa akin, ang isa sa pwede mong gamitin para makapag-move on. ano ang natutunan mo? kung meron, panghawakan mo yun at gamitin mo para maging buo ka ulit. tandaan mo na minsan ka mang nasaktan at nabigo, hindi ibig sabihin ay titigil na rin ang mundo mo at hahayaan mong madurog ang puso at pagkatao mo. masyadong maikli ang buhay para aksayahin sa pag-iyak, page-emote at pakikinig sa mga kanta ni Sarah Geronimo.


wag mong kalimutan na nandiyan ang barkada, ang mga kaibigan mong sa una ay aawayin ka sabay banat ng "yan kasi, di ka nakikinig sa amin" pero sa bandang huli, sila pa rin yung mga taong yayakap at magpaparamdam na madaming nagmamahal sa'yo. sigurado, yayayain ka pa nila uminom, mag-party, mag-shopping, mag-videoke at tumambay sa mall at maghanap ng irereto nila sa'yo.


umiyak ka. hayaan mo lang. wag ka matakot. makakatulong yun para gumaan ang nararamdaman mo. umiiyak ka kasi nagmahal ka ng tama.


let go, and let God. totoo yan. sa mga ganitong pangyayari sa buhay mo, Siya ang pinaka the best lapitan. makikinig Siya sa'yo at bibigyan ka ng pinakamagandang advice na mababasa mo sa Bible. 


-----


hindi man ganun kaganda yung mga advice na sinulat ko sa taas, pero masasabi kong lahat yan ay based on experience (wow). kanya -kanya man tayo ng paraan ng pagmo-move on, isang bagay lang ang sigurado, na pagkatapos ng lahat ng drama, iyakan, awayan, sumabatan, solian ng mga teddy bears at sulat, at pagbubura ng name ni ex sa friends list sa fb, at the end of the day, mas naging matatag tayo at matapang para harapin ang mga darating na challenges sa buhay.


let's get it on! :)


p.s. sigurado, mga after 10-15 years, kapag pinagusapan niyo ulit yung mga nangyari sa inyo, matatawa na lang kayo, sabay sabi, "shit, ganun ba ko dati?" hehehe



3 comments:

  1. "ganun ba ko dati?" haha nice one kiks :P

    ReplyDelete
  2. wow! oveeeer! tagus tagusan ito. *laslas pulso* lolss nice one kemstss. :D

    ReplyDelete