Friday, November 25, 2011

just sayin'

napapansin ko lately na puro heart-broken ang mga tao sa paligid ko. may iniwan, may pinagtatabuyan, may niloko at may nagpapakamartir. medyo nababahala na nga ako kasi parang dumadami sila, sign na ba ito ng climate change? 


siguro, isa na marahil ang pagmo-move on sa pinakamahirap na bahagi ng isang failed relationship. bakit? kasi ito na yung point kung saan kailangan mo nang talikuran ang lahat ng masasakit na nangyari para iligtas naman ang sarili mo. kailangan mong harapin yung katotohanan na tapos na ang lahat at kahit na ano pang gawin mo, kumain ka man ng apoy o bunutin ang buhok sa ilong, eh wala na talagang mangyayari para maisalba ang love story niyo. mahirap, oo, pero kailangan.


sabi nga ni papa jack, "kahit mahal mo siya, may pagkakataon na kailangan nating magpaalam."


hindi ito one-night process. it takes time. pero ang mahalaga, ay yung courage na meron ka para harapin ang katotohanang tapos na ang lahat at kailangan niyo ng maghiwalay ng landas.


matapang ka kung kaya mong ipaglaban ang taong mahal mo. pero mas matapang ka kung kaya mo siyang pakawalan.


sa kahit na anong experience na pinagdadaanan ng isang tao, laging may moral lesson na kaakibat. at yun, para sa akin, ang isa sa pwede mong gamitin para makapag-move on. ano ang natutunan mo? kung meron, panghawakan mo yun at gamitin mo para maging buo ka ulit. tandaan mo na minsan ka mang nasaktan at nabigo, hindi ibig sabihin ay titigil na rin ang mundo mo at hahayaan mong madurog ang puso at pagkatao mo. masyadong maikli ang buhay para aksayahin sa pag-iyak, page-emote at pakikinig sa mga kanta ni Sarah Geronimo.


wag mong kalimutan na nandiyan ang barkada, ang mga kaibigan mong sa una ay aawayin ka sabay banat ng "yan kasi, di ka nakikinig sa amin" pero sa bandang huli, sila pa rin yung mga taong yayakap at magpaparamdam na madaming nagmamahal sa'yo. sigurado, yayayain ka pa nila uminom, mag-party, mag-shopping, mag-videoke at tumambay sa mall at maghanap ng irereto nila sa'yo.


umiyak ka. hayaan mo lang. wag ka matakot. makakatulong yun para gumaan ang nararamdaman mo. umiiyak ka kasi nagmahal ka ng tama.


let go, and let God. totoo yan. sa mga ganitong pangyayari sa buhay mo, Siya ang pinaka the best lapitan. makikinig Siya sa'yo at bibigyan ka ng pinakamagandang advice na mababasa mo sa Bible. 


-----


hindi man ganun kaganda yung mga advice na sinulat ko sa taas, pero masasabi kong lahat yan ay based on experience (wow). kanya -kanya man tayo ng paraan ng pagmo-move on, isang bagay lang ang sigurado, na pagkatapos ng lahat ng drama, iyakan, awayan, sumabatan, solian ng mga teddy bears at sulat, at pagbubura ng name ni ex sa friends list sa fb, at the end of the day, mas naging matatag tayo at matapang para harapin ang mga darating na challenges sa buhay.


let's get it on! :)


p.s. sigurado, mga after 10-15 years, kapag pinagusapan niyo ulit yung mga nangyari sa inyo, matatawa na lang kayo, sabay sabi, "shit, ganun ba ko dati?" hehehe



Sunday, October 23, 2011

middle child syndrome

ang middle child syndrome ay nangyayari at pinagdadaanan ng mga middle child (syempre). hindi ito sakit tulad ng SARS, H1N1, buni, beke, at kuliti pero halos karamihan ng middle child ay pinagdadaanan diumano ito ayon sa ilang psychiatrist na may matatabang utak.


bunso ako sa limang magkakapatid kaya di siguro ako makaka-relate dito pero bilang napukaw ang atensyon kong pang-3 years old, ay nais ko itong ibahagi sa inyo dahil baka isa sa mga mambabasa ko dito ay middle child.


ayon sa aking mabusising pagsasaliksik sa internet at National Library, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng middle child syndrome ang isang middle child. una na diyan yung lack of emotional support mula sa mga magulang. 


halimbawa, sa tatlong magkakapatid, kadalasan na mas pinapaboran yung panganay o yung bunso. dahil panganay, sila ang bread winner ng pamilya na kadalasan eh naliligo ng papuri mula sa mga magulang. habang si bunso naman, bilang "baby" ng pamilya eh naliligo naman ng atensyon. at si gitna, ayun, laging kinukumpara sa panganay at iniitcha-pwera dahil kay bunso. resulta, bumababa ang self esteem nila. nagkakaroon sila ng feeling of emptiness, nagiging lonely at jealous. minsan weird, unfriendly at worst nagiging psychotic. 


pakiramdam tuloy nila hindi sila belong, they are ignored and sometimes they feel insecure. they sometimes feel out of place. (shit, english yun ha)


ang mga middle child din ay kadalasang nagkakaroon ng identity crisis. sinasabihan sila na maging good follower at gayahin ang mga mabubuting bagay na ginagawa ng ate o kuya nila, pero sinasabihan ding maging good leader para naman sa nakababatang kapatid. pagdating naman sa away eh ganito kadalasan ang eksena:


SCENE1 : nag-aaway ang panganay na si Pedro at ang middle child na si Pepito 


Pedro: Ma! Si Pepito oh, sinasagot-sagot ako!
Mama: Pepito, wag kang lalaban sa kuya mo, tandaan mo mas matanda siya sa'yo!
Pepito: (pabulong) WTF!


SCENE 2: nag-aaway naman ang middle child na si Pepito at bunsong si Petra.

Petra: Ma! Si kuya Pepito, inaaway ako!
Mama: Pepito, wag mong patulan yang kapatid mo, tandaan mo mas bata yan sa'yo!
Pepito: (pabulong) WTF!

ending, ayun laging talo si middle child. hindi na alam kung saan lulugar. nagkakaroon tuloy sila ng bahala-na-mentality sa kagustuhan na sumawa ng sariling identity.

pero, hindi naman lahat eh puro negative lang. may magagandang side din naman ang pagiging middle child.

sabi nila, ang mga middle child daw ay magaling umunawa dahil natututo silang makisama sa mas matanda at mas bata sa kanila. mas natututo din silang gumawa ng ibang bagay dahil mas madami silang sinusubukang magawa. mga creative at artistic din sila. mas understanding at flexible din sila dahil alam nila kung paano maging mabuting leader at follower. dahil din minsan lonely sila, mas natututo silang maging independent sa mga bagay na gusto nilang gawin. magaling din silang pumagitna at gawing ok ang lahat.

----------

ang sa akin lang, siguro hindi naman lahat ng middle child eh ganito ang pinagdadaanan. nakadepende din kasi lahat ito sa kung paano sila pinalaki ng mga magulang nila. at siguro hindi magkakaroon ng ganitong syndrome kung patas at walang favoritism ang mga magulang. lahat naman tayo may pinagdadaanan, na sa atin na lang yun kung paano natin ito tatanggapin at lalabanan.

Monday, October 10, 2011

erpat

may video na kumakalat sa mga networking sites tungkol sa isang "kakaibang" tatay at ang kanyang anak.


hindi ko ito pinansin nung una kong makita ito sa posts ng mga kaibigan ko. naisip ko kasi baka corny o kalokohan lang. pero habang tumatagal, dumarami yung nagshe-share ng video na ito at magaganda yung mga comments nung mga nakapanood. bilang bored ako, sinubukan ko na ring panoorin.


ayun, nasabaw ako. T___T


panoorin niyo na lang. kayo na bahala humusga at mag-comment.