8:45 p.m
Mabuti na lang at nakakatawa ang mga contestants ng Willing Willie kaya kahit paano ay nawala ang takot na nararamdaman ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at pinagmasdan ito. Ano na bang nangyayari, parang nagsimula lahat ng ito nung nilagay ko ang simcard ni Andoy at nabasa ko yung chain message. Tiningnan ko ulit ang contacts. Nagulat ako ng makita kong may naka-register na. Maria ang pangalan pero walang number. Lalo akong nagtaka nung tiningnan ko ang inbox. nandun pa rin yung chain message na binura ko kanina. Napaisip ako, may sa demonyo ba itong simcard na to? Tinitigan kong mabuti ang phone baka sakaling may mangyaring kakaiba. Napatalon ako sa gulat ng biglang nag-ring ang telephone namin. Shit naman. Napahawak ako sa dibdib ko. Tumayo ako para sagutin ito.
"Hello, sino to?"
Walang sumagot. "Hello, sino to?", ulit ko.
Wala pa ring sumagot. "HELLO!!!!", sigaw ko.
Biglang nag-busy sa kabilang linya. Sino kayang kurimaw yun. Lakas lang ng trip eh. Pagkababa ko ng telephone eh bigla namang nag-ring yung cellphone. Tumakbo ako para sagutin ito.
Pagtingin ko sa screen ay "unknown number" ang naka-register. Bago ko pa man pindutin ang "answer key" ay biglang nawalan ng kuryente.
Binalot ng kadiliman ang buong paligid. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot.
Patuloy pa rin sa pagri-ring ang cellphone. Sinagot ko ito.
"Hello?", tanong ko. Walang sumagot. "He--" di pa man ako tapos magsalita ay naputol na ang linya.
Dahil sa takot, napagdesisyunan kong umakyat na lang sa kwarto. Medyo malapit na sa kinatatayuan ko ang hagdan. Ginamit ko ang ilaw mula sa back light ng cellphone bilang flashlight ko para makita kahit paano ang daraanan. Dahan dahan akong naglakad. Hindi na rin ako halos humihinga. Kinakapa ko ang bawat madaanan. Bigla akong natalisod. Shit. Nabitawan ko ang cellphone at napunta ito sa di kalayuan. Agad akong gumapang palapit doon ng biglang namatay ang ilaw nito. Lalong dumilim ang paligid. Nagmadali akong gumapang para kunin ito ng biglang may nahawakan ang kaliwa kong kamay. Kinapa ko itong mabuti. SHIT!!!. Tila nanigas ang buo kong katawan. Agad kong kinapa gamit ang kanan kong kamay ang cellphone. Fuck, nasan na ba yun....... pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi ko na rin maigalaw ang kaliwa kong kamay. Kapa. Kapa. Kapa. Finally, nakapa ko rin ang cellphone. Agad ko itong pinindot para lumiwanag at itinapat ito sa kaliwa kong kamay. Bigla akong napaatras sa nakita ko. Isang paa. Isang duguang paa. Napatayo ako at tumakbo paakyat ng hagdan.
-----
9:25 p.m
Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong binuksan ang ilaw at ni-lock ang pinto. Teka. May ilaw sa kwarto ko, ibig sabihin sa baba lang nawalan ng ilaw. Shit naman. Anong nangyayari? Tumakbo ako sa kama, kinuha ko ang iPod ko at humiga. Pinakinggan ko ang favorite kong kanta at nilakasan ang volume. Kapag pagod o stress ako ay napapakalma ako ng mga kanta ko sa iPod, sana ngayon din. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukan ko ring magisip ng masasayang bagay.
"Tulungan mo ako."
Napabalikwas ako ng kama sabay tanggal ng headset. Shit, sino yun? Pinagmasdan ko ang paligid, walang tao. Saan nanggaling yung boses na yun? Imposibleng sa iPod dahil english ang pinapakinggan kong kanta at isa pa, malakas ang volume.
Nanlamig ang buong katawan ko ng makita kong unti-unting nagbubukas ang cabinet sa paanan ng kama ko. Hindi na ako makahinga sa sobrang takot at tila nanigas na rin ang katawan ko. Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari o kung may lalabas ba sa cabinet ko ng biglang may nagtext sa cellphone na may simcard ni Andoy. Agad ko itong binasa.
"hsdgfuhrieushviu465887298jjihdf7yhair;o8w39i4w8"
Sa takot ay naihagis ko ang cellphone sa sahig.
"fuck you!!!!!", biglang nagsara ang cabinet ko.
Tumayo ako ng kama at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagpasok ng banyo ay pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin sa ibabaw ng lababo. Bakas ang takot sa mga mata ko at ang putla na ng mukha ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Malamig ang tubig. Pauilit-ulit kong binasa ang mukha ko. Sana panaginip lang lahat ng ito. Pagharap ko sa salamin ay nakita kong duguan ang mukha ko. Agad kong hinawakan ang mga pisngi ko at tiningnan ang mga kamay ko kung may dugo. WALA.
Napatakbo ako pabalik ng kama at nagtalukbong ng kumot. Pinikit ko na rin ang mga mata ko. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na. Paulit-ulit kong sinabi yun sa sarili ko hanggang sa makatulog ako........
abangan ang huling bahagi ng kwento bukas....
siguro kung ako yan lumabas nalang ako ng bahay, nagpasundo at nagkape nalang sa labas.
ReplyDeleteoh well :))))))))
hahaha. ewan ko ba jan sa bida ko. sinabihan ko na rin yan nung kinwento niya sa akin yang nangyari sa kanya na dapat lumabas na lang sya o tinawagan niya ermats niya. pero yaan mo na, trip niya yan eh. hahaha gusto niya matakot. :D
ReplyDeletekikoooooooooooooo pisti ka, natakot ako ng bongga 0.O shemmayys ka.
ReplyDelete