Sunday, March 06, 2011

boy sabaw meets tito bhoy. part 2

tito bhoy: we are back sa the buzz. still with kiko. balik tayo sa usapan. ano yung naramdaman mo nung sinabi ng ermats mo sa'yo yun?
kiko: syempre po napikon ako. pero mas pinili ko na lang po na manahimik. kahit naman po anong sabihin ng mga magulang ko sa akin, hindi ko po sila sinasagot. hinahayaan ko lang sila. pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa. ganun lang po palagi. pero sa totoo po, masakit. pero kahit sabihin ko po sa kanila yun di ko po alam kung maiintindihan nila. minsan po kase nakakalimutan ng mga magulang na tao din po ang mga anak nila, nasasaktan din. pero mas pinipili ng mga anak na wag na lang sumagot dahil nandun pa rin yung respeto natin sa mga magulang natin.





tito bhoy: naintindihan kita. anak din ako. kiko, ano yung pinakamasakit na bagay na nagawa o nasabi sa'yo ng mga magulang mo?
kiko: naku, hmmm, siguro isa sa pinakamasakit para sa akin eh yung maikumpara ka sa mga kapatid mong may napatunayan na sa buhay. iba po kase yung pakiramdam ng ganun. parang minsan may mali lang akong magawa, ikukumpara na ako. ayoko po kase ng ganun. iba iba po ang tao. 


tito bhoy: ano naman ang ginagawa mo kapag nangyayari yun?
kiko: wala po. nilulunok ko na lang lahat ng sinasabi nila. kahit naman po ipagtanggol ko ang sarili ko, wala akong laban. anak lang ako.


tito bhoy: minsan ba dumating din yung point na nag-isip ka na sana iba na lang mga magulang mo?
kiko: minsan po. pero ayoko. oo, naiinggit ako sa mga kaibigan kong may "cool" parents. yung tipong papayagan sila lumabas kahit gabi. yung ok lang uminom sa bahay. yung binibigyan ka ng pera. pero naisip ko rin, mas ok yung mga magulang ko. kahit madami akong issues sa kanila, maswerte pa rin ako na sila naging magulang ko. nakita ko kase kung paano nila ginapang yung pamilya namin, lalo na yung pag-aaral ko, para maging maayos ang buhay namin. kahit na lagi akong tadtad ng sermon at pangaral, alam ko na balang araw ipagpapasalamat ko yun kase hindi ko man maintindihan sa ngayon kung bakit nila ginagawa sa akin yun alam ko na darating ang panahon na magagamit ko yung mga sermon at pangaral na yun. dahil kaya nila sinasabi sa akin yun dahil gusto nila akong matuto sa buhay. na napagdaanan na nila yung mga pagdadaanan ko pa lang. na mahal nila ako kaya nila ginagawa yun sa akin. (iyak)


tito bhoy: tama ka kiko. wala namang ibang hangad ang mga magulang natin sa ating mga anak kundi ang mapabuti tayo.
kiko: opo, totoo po iyon. alam ko rin naman po yung responsibilidad ko bilang anak. ibabalik ko rin naman po sa kanila lahat ng pinaghirapan nila para sa akin at sa mga kapatid ko. pangarap ko pa nga po na ipagawa sila ng bahay. yung may garden, kase mahilig ermats ko sa mga halaman. tapos madaming katulong para di na sila mahihirapan. relax na lang sila. buong buhay nila pagod sila kaya gusto ko relax naman sila. kaya nga po nagpupursigi rin ako makahanap ng trabaho. tapos kapag may work experience na ako dito, lipad na agad sa abroad. ayun.


tito bhoy: mabuhay ka kiko! magpakatatag ka lang. lahat ng pinagdaraanan mo ay tutulong para maging mabuti kang tao. manalig ka lang.
kiko: salamat po tito bhoy! :)


tito bhoy: meron ka bang gusto i-plug? o sige the floor is yours.
kiko: naku opo, (tingin sa camera) sa lahat po, ini-invite ko po kayo na dumaan at patuloy na suportahan ang blog ko. sabawanonymous.blogspot.com po. mag-e-enjoy po kayo dito. may comedy, drama, sex (joke), at kung anu-ano pang topics o idea na pumasok sa isipan ko. salamat din po sa mga supporters ko. fat, chel, team sabaw, mga klasmeyt ko nung college, 4B!, at sa mga napapadaan sa blog ko, salamat po!


tito bhoy: maraming salamat kiko at nagtiwala ka sa the buzz.
kiko: wala pong anuman. :)


tito bhoy: wag po kayong aalis dahil magbabalik pa po ang.... (turo si kiko)
kiko: the buzz!!!!! :D




:D

4 comments:

  1. umiiyak na ako e, tas biglang..

    ----->[tito bhoy: wag po kayong aalis dahil magbabalik pa po ang.... (turo si kiko)
    kiko: the buzz!!!!! ]

    nice kiko. Tulad ng sabi ko, go go. we will much more stronger. laban lang. hahaha IMISSYOU LORICA!!

    ReplyDelete
  2. hahahaha puta sabaw ang english. hahaha

    sabaw ng sinaing (AM AM AM AM AM)

    ReplyDelete
  3. haha. di naman msyado "anonymous". hahaha :D

    ReplyDelete