tito bhoy: nandito po tayo sa the buzz with an exclusive interview to one of the cutest blogger sa net. kiko. kamusta ka kiko?
kiko: ok naman po ako tito bhoy.
tito bhoy: kamusta ang buhay?
kiko: sa ngayon po steady lang. eto busy sa blog. tapos na rin po yung contract sa korean school na pinasukan ko kaya tambay po ako ngayon sa bahay.
tito bhoy: wala ka bang balak humanap ng trabaho ulit?
kiko: meron po. bale nagpahinga lang ako ngayong week tapos po next week maghahanap na po ako ng trabaho. bilang nurse na po.
tito bhoy: that's good. ngayon kiko, i heard about this news na umiyak ka daw nung isang beses na nalasing ka? gaano ito ka-totoo?
kiko: (tawa) naku, paano po nakarating yang story na yan sa inyo? (tawa ulit) well, totoo po iyon. dahil po sa epekto ng alak kaya napa-iyak po ako.
tito bhoy: ahee-hee-hee ikaw talaga kiko. i have my sources. well, what's the reason bakit ka umiyak?
kiko: hmmm. wala lang po. naglabas lang po ako ng hinanakit ko sa mundo. yung mga bagay at emosyon na pilit kong pinipigilan eh lumabas dahil sa espiritu ng alak. yung frustrations, disappointments, galit at lungkot. naghalu-halo na po kase kaya hindi ko na rin napigilan lumabas ang luha.
tito bhoy: o sige, isa-isahin natin. kamusta ang relasyon mo sa pamilya mo?
kiko: ayos lang po. sa totoo lang, hindi naman po ako ganun ka-open sa pamilya ko. wala po silang alam sa mga pinagdaraanan ko. kase kahit sa bahay pala-tawa lang ako. hindi ko sinasabi sa kanila mga problema ko. una, hindi po ako ganun ka-close sa mga kapatid ko. malaki po kase mga agwat namin. at may kanya-kanya na silang buhay. sa ermats at erpats ko naman, hindi rin ako nagke-kwento. naiilang po kase ako. kaya kadalasan sinasarili ko lang po ang mga problema ko. minsan kinukwento ko sa mga kaibigan ko.
tito bhoy: hmm. kaibigan. nabalitaan ko na dalawa sa matalik mong kaibigan ang wala na dito sa manila, tama ba?
kiko: opo. totoo po iyon. yung isa po nasa samar, nagvo-volunteer bilang nurse. yung isa naman po eh nasa saudi na, kinuha ng erpats niya. ay tito bhoy, nanonood po yun ngayon via TFC batiin ko lang, HI FAT!!. ayun. yung dalawa naman po busy sa work nila. kaya ayun. ako na lang mag-isa. ang masakit lang po dun, kung sino pa yung pinaka-close ko, yung nasa samar si janna at yung nasa saudi si fat, sila pa yung nawala. sa totoo lang po, sa kanila lang ako nagsasabi ng mga problema ko. sila yung madalas kong nakakausap. kase alam ko na kapag kinwento ko sa kanila yung mga problema ko hindi nila ako huhusgahan at babalewalain. kase alam ko, maiintindihan nila ako. kaya sobrang nalungkot po ako nung umalis sila. hindi ko na alam gagawin ko kase wala ng makikinig sa mga hinaing ko sa buhay.
tito bhoy: so paano ngayon kapag may problema ka? anong ginagawa mo?
kiko: lagi lang po akong nasa kwarto. nakikinig ng mga kanta. nagbabasa ng libro. at nag-iinternet. yun na lang po ang ginagawa ko para malibang at ma-distract ako. medyo mahirap pero nasanay na po ako. at masaya din po ako kase kahit paano nakahanap ako ng bagong support system sa katauhan ng mga kasama ko sa trabaho. sa kanila po ako umiyak nung nalasing ako. at masaya po ako kase gaya nila fat at janna, naintindihan nila ang pinagdaraanan ko, yung mga frustrations ko sa buhay, naramadaman ko po na "i belong". (iyak)
tito bhoy:(silence)..... kiko, ano ba yang mga frustrations mo?
kiko: (singa) madami po. (sinok) kagaya sa bahay. yung mga expectations nila sa akin. na dahil nurse na ako (sinok) kelangan suklian ko na daw yung kuya ko na nagpaaral sa akin. (ubo) alam ko naman po iyon tito bhoy, malaki ang utang na loob ko sa kuya ko at gagawin ko naman po iyon sa tamang panahon kapag may stable job na ako. nung isang araw nga po, papunta ako ng moa para kitain yung mga kaibigan ko nung college. pag baba ko ng hagdan ganito po naging eksena...
ermats: humahalimuyak ka ah. makikipag-date ka lang ata eh. ayaw mo pa sabihin.
kiko: makikipagkita lang ako sa mga kaibigan ko nung college.
ermats: ayusin mo lang ha kung makikipag-date ka. wag mo lang unahan kuya mo mag-asawa dahil nagpakahirap sya sa dubai para maka-graduate ka. at wala kang ipapalamon kung magaasawa ka dahil wala ka pang trabaho. minsan, di ako naniniwala sa'yo eh. sinungaling ka rin katulad ng ate mo. suklian mo muna yung paghihirap ng kapatid mo bago ka magpakasaya.
kiko: (tahimik at galit na umalis ng bahay)
.... to be continued
i can feel you, i am sorry i have to leave you, :/
ReplyDeletehakhak.
hay nakoooo. ganda na naman ng attack mo, :)) be brave kiko, be very brave. coz we are in a cruel world. and we have to fight to survive. chos!!
ReplyDeleteawww. maraming salamat fat sa suporta na binibigay mo sa aking blog. hehe :))
ReplyDeletekiko, i find this nice. a small bite of reality, the unconventional way. Focus on your strengths instead. i know what you're capable of. You just have to know how and where to begin. I'll be here to support u.
ReplyDeleteaw. maraming salamat isang sa panahon na ginugol mo sa pagbasa ng entry ko na ito. salamat sa payo at suporta. :)
ReplyDeletenice kiko..never thought you hid these underneath your smiles..still..you've come a long way..keep it up..and always remember that nobody can hurt you or put you down unless you let them..love your blog..naalala ko tuloi ung hs days where you are always the life of the class..hai..miss you guys..:)
ReplyDelete