Saturday, December 17, 2011

p.a.i.n


Pain comes in all forms. The small twinge, a bit of soreness, the random pain. The normal pains we live with everyday.


Then there's the kind of pain you can't ignore. A level of pain so great that it blocks out everything else... Makes the rest of your world fade away, until all we can think about is how much we hurt.


How we manage our pain is up to us.


Pain. We anesthetize , ride it out, embrace it, ignore it, and for some of us the best way to manage pain is to just push through it.


Pain.


You just have to ride it out, hope it goes away on its own. Hope the wound that caused it heals.


There are no solutions, no easy answers. You just breath deep and wait for it to subside.


Most of the time pain can be managed, but sometimes the pain gets you when you least expect it, hits way below the belt and doesn't let up.


Pain. You just have to fight through, because the truth is you can't outrun it... And life always makes more.





-----

i once posted this as a note on my FB account. just wanna share it here. 

by the way, i got this from Grey's Anatomy. :)

Tuesday, December 13, 2011

very very light...

sometimes we keep holding on even if the situation tells us to let go. we ignore the pain to the point that we become numb. we keep fighting even if the person we love has already given up on us. we still hope, against all odds, against all logic, that everything will be ok. that everything will return to normal. that all the bullshit and the drama will end.

but at the end of the day, there will come a point that we'll get tired. we'll realize that the pain we feel is too much, that we've suffered too long and that we've hoped too high. we'll realize that the battle is already finish and we have to face the fact that we have lost the fight and the victory will never be ours. yes, there'll be wounds, deep, penetrating wounds, but no matter how deep those wounds are, the good thing is, they'll heal. we'll recover. we'll be ok again. the wounds will heal but the scars will always be there to remind us about the battle we have faced and how stupid we were back then. people sometimes get stupid when it comes to love. that's a fact. but there's no need to blame ourselves.

we have fought valiantly to save the dying relationship.we have done our part. and after all this shit, we need to move on. it'll take time to recuperate, it's a gradual process, like the cliche "one-baby-step-at-a-time" crap. but it's the only way to save ourselves. it's time to pick up the broken pieces of our shattered heart and make it whole again. one day, though bruised and wounded, we will be whole again and the experience we had will help us to face the world with a kick-ass attitude.


-E.R 12/13/2011 7:25 am

Friday, November 25, 2011

just sayin'

napapansin ko lately na puro heart-broken ang mga tao sa paligid ko. may iniwan, may pinagtatabuyan, may niloko at may nagpapakamartir. medyo nababahala na nga ako kasi parang dumadami sila, sign na ba ito ng climate change? 


siguro, isa na marahil ang pagmo-move on sa pinakamahirap na bahagi ng isang failed relationship. bakit? kasi ito na yung point kung saan kailangan mo nang talikuran ang lahat ng masasakit na nangyari para iligtas naman ang sarili mo. kailangan mong harapin yung katotohanan na tapos na ang lahat at kahit na ano pang gawin mo, kumain ka man ng apoy o bunutin ang buhok sa ilong, eh wala na talagang mangyayari para maisalba ang love story niyo. mahirap, oo, pero kailangan.


sabi nga ni papa jack, "kahit mahal mo siya, may pagkakataon na kailangan nating magpaalam."


hindi ito one-night process. it takes time. pero ang mahalaga, ay yung courage na meron ka para harapin ang katotohanang tapos na ang lahat at kailangan niyo ng maghiwalay ng landas.


matapang ka kung kaya mong ipaglaban ang taong mahal mo. pero mas matapang ka kung kaya mo siyang pakawalan.


sa kahit na anong experience na pinagdadaanan ng isang tao, laging may moral lesson na kaakibat. at yun, para sa akin, ang isa sa pwede mong gamitin para makapag-move on. ano ang natutunan mo? kung meron, panghawakan mo yun at gamitin mo para maging buo ka ulit. tandaan mo na minsan ka mang nasaktan at nabigo, hindi ibig sabihin ay titigil na rin ang mundo mo at hahayaan mong madurog ang puso at pagkatao mo. masyadong maikli ang buhay para aksayahin sa pag-iyak, page-emote at pakikinig sa mga kanta ni Sarah Geronimo.


wag mong kalimutan na nandiyan ang barkada, ang mga kaibigan mong sa una ay aawayin ka sabay banat ng "yan kasi, di ka nakikinig sa amin" pero sa bandang huli, sila pa rin yung mga taong yayakap at magpaparamdam na madaming nagmamahal sa'yo. sigurado, yayayain ka pa nila uminom, mag-party, mag-shopping, mag-videoke at tumambay sa mall at maghanap ng irereto nila sa'yo.


umiyak ka. hayaan mo lang. wag ka matakot. makakatulong yun para gumaan ang nararamdaman mo. umiiyak ka kasi nagmahal ka ng tama.


let go, and let God. totoo yan. sa mga ganitong pangyayari sa buhay mo, Siya ang pinaka the best lapitan. makikinig Siya sa'yo at bibigyan ka ng pinakamagandang advice na mababasa mo sa Bible. 


-----


hindi man ganun kaganda yung mga advice na sinulat ko sa taas, pero masasabi kong lahat yan ay based on experience (wow). kanya -kanya man tayo ng paraan ng pagmo-move on, isang bagay lang ang sigurado, na pagkatapos ng lahat ng drama, iyakan, awayan, sumabatan, solian ng mga teddy bears at sulat, at pagbubura ng name ni ex sa friends list sa fb, at the end of the day, mas naging matatag tayo at matapang para harapin ang mga darating na challenges sa buhay.


let's get it on! :)


p.s. sigurado, mga after 10-15 years, kapag pinagusapan niyo ulit yung mga nangyari sa inyo, matatawa na lang kayo, sabay sabi, "shit, ganun ba ko dati?" hehehe



Sunday, October 23, 2011

middle child syndrome

ang middle child syndrome ay nangyayari at pinagdadaanan ng mga middle child (syempre). hindi ito sakit tulad ng SARS, H1N1, buni, beke, at kuliti pero halos karamihan ng middle child ay pinagdadaanan diumano ito ayon sa ilang psychiatrist na may matatabang utak.


bunso ako sa limang magkakapatid kaya di siguro ako makaka-relate dito pero bilang napukaw ang atensyon kong pang-3 years old, ay nais ko itong ibahagi sa inyo dahil baka isa sa mga mambabasa ko dito ay middle child.


ayon sa aking mabusising pagsasaliksik sa internet at National Library, maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng middle child syndrome ang isang middle child. una na diyan yung lack of emotional support mula sa mga magulang. 


halimbawa, sa tatlong magkakapatid, kadalasan na mas pinapaboran yung panganay o yung bunso. dahil panganay, sila ang bread winner ng pamilya na kadalasan eh naliligo ng papuri mula sa mga magulang. habang si bunso naman, bilang "baby" ng pamilya eh naliligo naman ng atensyon. at si gitna, ayun, laging kinukumpara sa panganay at iniitcha-pwera dahil kay bunso. resulta, bumababa ang self esteem nila. nagkakaroon sila ng feeling of emptiness, nagiging lonely at jealous. minsan weird, unfriendly at worst nagiging psychotic. 


pakiramdam tuloy nila hindi sila belong, they are ignored and sometimes they feel insecure. they sometimes feel out of place. (shit, english yun ha)


ang mga middle child din ay kadalasang nagkakaroon ng identity crisis. sinasabihan sila na maging good follower at gayahin ang mga mabubuting bagay na ginagawa ng ate o kuya nila, pero sinasabihan ding maging good leader para naman sa nakababatang kapatid. pagdating naman sa away eh ganito kadalasan ang eksena:


SCENE1 : nag-aaway ang panganay na si Pedro at ang middle child na si Pepito 


Pedro: Ma! Si Pepito oh, sinasagot-sagot ako!
Mama: Pepito, wag kang lalaban sa kuya mo, tandaan mo mas matanda siya sa'yo!
Pepito: (pabulong) WTF!


SCENE 2: nag-aaway naman ang middle child na si Pepito at bunsong si Petra.

Petra: Ma! Si kuya Pepito, inaaway ako!
Mama: Pepito, wag mong patulan yang kapatid mo, tandaan mo mas bata yan sa'yo!
Pepito: (pabulong) WTF!

ending, ayun laging talo si middle child. hindi na alam kung saan lulugar. nagkakaroon tuloy sila ng bahala-na-mentality sa kagustuhan na sumawa ng sariling identity.

pero, hindi naman lahat eh puro negative lang. may magagandang side din naman ang pagiging middle child.

sabi nila, ang mga middle child daw ay magaling umunawa dahil natututo silang makisama sa mas matanda at mas bata sa kanila. mas natututo din silang gumawa ng ibang bagay dahil mas madami silang sinusubukang magawa. mga creative at artistic din sila. mas understanding at flexible din sila dahil alam nila kung paano maging mabuting leader at follower. dahil din minsan lonely sila, mas natututo silang maging independent sa mga bagay na gusto nilang gawin. magaling din silang pumagitna at gawing ok ang lahat.

----------

ang sa akin lang, siguro hindi naman lahat ng middle child eh ganito ang pinagdadaanan. nakadepende din kasi lahat ito sa kung paano sila pinalaki ng mga magulang nila. at siguro hindi magkakaroon ng ganitong syndrome kung patas at walang favoritism ang mga magulang. lahat naman tayo may pinagdadaanan, na sa atin na lang yun kung paano natin ito tatanggapin at lalabanan.

Monday, October 10, 2011

erpat

may video na kumakalat sa mga networking sites tungkol sa isang "kakaibang" tatay at ang kanyang anak.


hindi ko ito pinansin nung una kong makita ito sa posts ng mga kaibigan ko. naisip ko kasi baka corny o kalokohan lang. pero habang tumatagal, dumarami yung nagshe-share ng video na ito at magaganda yung mga comments nung mga nakapanood. bilang bored ako, sinubukan ko na ring panoorin.


ayun, nasabaw ako. T___T


panoorin niyo na lang. kayo na bahala humusga at mag-comment. 





Saturday, October 08, 2011

pa-peysbuk nga! :)

habang nagaaksaya ako ng oras sa harap ng computer at nagpe-peysbuk, nakita ko mula sa isang kaibigan ang link tungkol sa facebook. ano daw? basta, tungkol ito sa pagpe-peysbuk at kung paano nabago ng peysbuk ang tipikal na buhay ni juan dela cruz. ayon sa nakita ko, ishinare ito ni Shamcey Supsup sa kanyang facebook account. di na ko maglalagay ng kung anu-anong ekek dito. basahin niyo na lang. pramis, makaka-relate kayo. nakakatawa. eye-opener na rin. 


o siya, hala, basa!!


disclaimer: ang inyong mababasa ay hindi ko ginawa. nakita ko lang ito sa facebook at naisipan kong i-share para mabasa niyo. pwede niyo rin i-share kung gusto niyo. and no animals were harmed habang ginagawa ko ito. (aminin mo, waley yung last sentence ko na yun :D)
----------





“PA – PEYSBUK NGA!!!!” [Read this very funny!]


“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa 
isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala.

Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.

Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo.

Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?

Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip.

Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!.

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.

Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.

Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?

Pa-Peysbuk nga!!!


Thursday, September 22, 2011

may masabi lang ulit...

ang dami ng nangyayari ngayon. sa sobrang dami, bigla ko tuloy naisipang gumawa ng entry at magbigay ng opinyon sa bawat kaganapan na gumugulo sa tahimik kong mundo.(wow ha)

Monday, September 12, 2011

patawa

bilang bored ako at walang magawa, pinuntahan ko yung website na sinabi ng kaibigan ko na maraming kung anu-anong patawa. 


unang entry pa lang ang nababasa ko ay tawa na ako ng tawa. mababaw lang din kasi ang kaligayahan ko. tungkol siya sa mga kasabihan at questions sa isang Ms.Gay beauty pageant. 


hayaan niyong i-share ko sila sa inyo. :D


-----


If you would die tomorrow, why not today?

If you are daring, HOW DARE YOU?



If you want to be an animal, why did you choose to be a horse?

If you'll be given a chance why?

Bukod sa salamin,anu pa ang kinatatakutan mo?


Bukod sa lamok,anu pa ang paborito mong chichirya?


If time is gold, why not silver or bronze?


my mother is a portugese, my father from bangladesh,,,,,
and my face is putragis


From the place where you see the sun, the see and the moon...Saaaaan Seeeeemon (San SImon)


naniniwala po ako sa kasabihang kung kaya ng iba ... ipagawa mo sa kanila thank you



I firmly believe in the saying
NO ID NO ENTRY


MC:. WHAT IF YOUR BF HAS AIDS? WOULD YOU STILL ACCEPT HIM?
GAY: YES.. (PALAKPAKAN ANG AUDIENCE) COZ I BELIEVE THAT AIDS DOESNT MATTER.


aanhin pa ang damo kung muka ka namang aso...

emcee: what is abortion?
candidate: abortion is a sin committed against God because everyone deserves to celebrate a happy birthday!



maganda naman siya....
mula ulo mukhang paa


Host : What is your best feature?
Contestant : My graduation feature.

Host : If you were to describe the color blue to a blind person, how would you do it?"
Contestant : That's a very good question. Keep it up

Host : What, in your opinion, is the ideal age for marriage?
Girl : Between 24 and 25!

Host : What is the essence of being gay?
Contestant : I'm proud to be gay because what is naked is essential to the eye!



Aanhin pa ang malapalsyong bahay na to?
Kung katulong ka lamang


BULBUL mo BULBUL KO, BULBUL nating lahat BULIVIA...


bra ta ta ta tat...
IRAQ!!!


(pa sweet, patweetums)
SWITZERLAND!


(may hawak na taga, nananaga kunwari)
TONDO!



Malay niyo, Malay ko, Malay niya.....MALAYSIA!

MS. Philippines: Masaming ARING Matigas pero wala ng bigas....PILIPINAS!


 "Ang baklang malaki ang bunganga ay dating pating"

 "What is beauty, if the body is dirty"


 Manananggal, Mangkukulam, Mangbabarang ik ik ik... PILIPINAS

 Aigato arigato puki mo may tato.... JAPAN


 kung ang babae ay panty at ang mga lalaki ay brief, kaming mga bading ay t-back,   dahil ang mga titi namin ay laging nasa back. thank u!


Kahit gaano man kalalim ang dagat,....
hanggang dibdib parin ito ng bibe,,


 "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, kung patay na ang kabayo"...(ano daw?!)


Hola, HI MY name is Margarita la cuesta di pwede pakasta kasi may regla ARGENTINA

galingan nyo na po ang pagpapadami ng damo
dahil dumarami na ang nagmumukhang kabayo



     in a gay pageant in tondo

    Judge: Miss Venezuela, What do you think is the greatest problem our country is facing today, and what do you think is the solution for this?

      Ms. Venezuela: Ladies and Gentlemen, I Love my Mother, I Love my Father But I dont know the answer. thank you very much
waaah!!! ang anghang!!! (umaarteng naaang-hangan..) CHILE!


 BEEP BEEP BEEP! may chumuchupa sa jeep, EGYPT!!!!


 (nadulas) Greece!!!


(hawak sa tyan) Hungary!


Ba be bi bo bu.... BURMA! / (takip ng mukha then nangulat) boo!!! BURMA!!!

Itaas ang kamay, ikaway, iwagayway HAWAII!!!


Yoko ono, yoko dos, yoko tres, yoko na!!! yokohama Japan!!!


Plok plok, tikman nyo ang cooking ng ina nyo!, lasap na lasap ang lasa ng tunay na manok, sa pula sa puti, TEXAS!!!


CONDENSADA, EVAPORADA, ANONG LASA? ALASKA!!!


       judge: what is the most important part of your body and why?
       contestant: the most important part of my body are my shoulders... why? bec. my shoulders are conected to my neck, and my neck is connected to my head, and my head carries this beauty, i thank you...



      judge: what can you do to help solve the current situation/problem of our country?
      contestant: that is a very good question, a good question needs a good answer, and that's my answer... thank you!


 Singa one, singa two, singa three, SINGA PORE!!!




 "Arkuroo kuroo kuroo kuroo kuroo kuroo, Turkey!"


"Aburik kiki kiki kiki kiki, Thailand!"

 
"At iiwan ko po kayo sa kasabihang 'Hindi lahat ng kabayo ay nasa kwadro, ang iba ay nandyan lang sa likod ng entablado, kasunod ko'." 




-----


tawa ako ng tawa mag-isa eh. haha :D

Sunday, September 11, 2011

para kay lolo

tuwing linggo, maaga kami palagi nagsisimba ng nanay ko. gusto niya kasi yung first mass, 6am start nun. hindi mainit at konti lang ang tao. kahit hirap man ako gumising eh, pinipilit ko pa rin, syempre linggo at araw ng simba.


pansin ko na kadalasan ng mga nagsisimba ng ganung oras ay matatanda. mga lolo at lola na sanay gumising ng maaga. yung iba mag-isa, yung iba may saklay, yung iba may hawak na rosary at taimtim na nagdadasal. yung ibang lola nga, kapag homily na ni father, ayun, tulog na. ang cute lang. bigla kong naalala yung lolo ko, yung tatay ng nanay ko.


-----


hindi ako lolo's boy. hindi kase ako malapit sa kanya. medyo natatakot kase ako sa kanya, pero mabait siya, sobra, gaya ng kahit na sinong lolo.


madalas tumira ang lolo ko dito sa amin. close kasi yung nanay ko sa kanya. pero minsan nagpupunta din naman si lolo sa mga tita at tito ko(mga kapatid ng nanay ko) pero mas madalas siyang tumitira dito sa bahay.


mahilig gumawa ng paso gawa sa gulong ng mga sasakyan yung lolo ko. siguro libangan niya na rin at syempre para kumita kahit paano para may pambili siya ng mga bagay na gusto niyang bilhin. pag kumita na siya, minsan nakikipaginuman siya sa mga kaibigan niya at minsan binibigyan niya rin ako ng barya pambili ko ng chichirya.


aminado ako, naging masama ako sa lolo ko.


mahilig siya magbasa ng dyaryo, bago man o luma. nung bata ako hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at tinago ko lahat ng dyaryo sa bahay para walang mabasa yung lolo ko. nung tinanong niya ang nanay ko kung nasaan yung mga dyaryo, patay malisya lang ako sabay ngiti. 


boxing ang paboritong palabas ng lolo ko. tuwing linggo, pupwesto na yan sa upuan, kukuha ng toothpick para kagatin at haharap sa tv para suportahan ang manok niya sa laban. natutuwa ako sa lolo ko kapag umiinit na yung laban at sunud-sunod yung suntok ng manok niya sa kalaban, pati lolo ko sumusuntok sa hangin sa sobrang gigil. isang beses, nanonood ang lolo ko ng boxing, bigla akong pumasok at umupo, kinuha ang remote at nilipat sa cartoons ang palabas. nakiusap yung lolo ko na ibalik yung pinapanood niya, kaso hindi ko siya pinansin at patay malisya lang ako. maya maya pa ay napansin kong tumayo ang lolo ko at lumabas habang bumubulong. ngumiti ako. tagumpay na naman ako sa pang-iinis sa lolo ko.


-----


nung high school ako, nagkasakit si lolo. lung cancer. yosi boy din kasi yun nung kabataan niya. malupit na sakit pero buong tapang na tinanggap ng lolo ko yun. nakipaglaban siya gaya nung mga boksingerong sinusuportahan niya sa tv. pero unti-unting nananalo ang cancer. biglang bumagsak ang katawan ng lolo ko. naisipan ng nanay ko na dalhin na lang si lolo sa probinsya at tumira sa tita ko. mas maganda kasi environment dun kesa dito sa maynila.


isang gabi, tumawag ang tita ko. namatay na daw si lolo. walang tigil sa pagiyak ang nanay ko. di ko rin napigilang umiyak. di man lang ako nakapag-sorry sa lolo ko sa mga kasalanang ginawa ko sa kanya. nakonsensya ako. bigla akong napatingin sa kalendaryo nun. September 26 namatay si lolo, September 25 naman ang birthday ko.


agad kaming umuwi ng probinsya. natulala ako nung nakita ko yung kabaong ni lolo at nung sumilip ako di ko na napigilang umiyak.


nung nasa probinsya ako, na-realize kong di ko pala kilala ng lubusan si lolo. dun ko lang narining yung mga magagandang kwento tungkol sa lolo ko ng mga kamag-anak niya. yung pagiging matulungin niya, mapagmahal na tatay sa nanay at sa mga tito at tita ko, matapang na hinarap ang kalungkutan nung iwan siya ng asawa niya. madaming magagandang kwento, lalo akong nalungkot at nakunsensya.


madaming nakipaglibing. halos lahat ng taga-barrio ng lolo ko ay nandun. mga natulungan niya sa munting paraan. mga kaibigan. kamag-anak. kainuman. pati mga pulis at doktor na ang mga magulang ay kaibigan din ng lolo ko.


bago ipasok sa nitso ang katawan ni lolo, nag-sorry ako. humingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa kanya. yung pagtatago ng dyaryo, paglipat ng palabas sa tv, pagtapon nung iba niyang gamit. naging masama akong apo. bigla akong niyakap ng tita ko sabay bulong "ang maganda sa lolo mo, madali syang magpatawad". 


------


fast forward.


summer bago ako mag 4th year college ay muli akong bumisita sa probinsya namin. syempre, dinalaw ko yung libingan ni lolo. nakipagkwentuhan ako sa kanya. nag-sorry ulit. at humiling ng isang bagay. na sana sa pagkuha ko ng board exam ay samahan niya ko. na kausapin niya si Bro para tulungan ako makapasa. bago ako umalis, sinabi kong para sa kanya yung board exam ko at gagawin ko lahat para makapasa sabay suntok sa hangin na parang ginagawa niya kapag nanonood ng boxing.


------


alam ko kung nasaan man si lolo ngayon ay proud siya sa akin. registered nurse na ko at ginawan ko pa siya ng entry dito sa blog ko. 


love you lolo. happy granparents day sa iyo! :)


P.S lo, madaming mga dyaryo dito s bahay, gusto mo ba basahin?
:D 

Saturday, September 03, 2011

kokology

have you ever encountered the word "kokology"? (shet, english)

yung iba siguro, oo at yung iba eh hindi pa. eh ano nga ba ang kokology? 

ang "kokology" ay ang pag-aaral ng "kokoro" na ang ibig sabihin ay "mind" or "spirit". naimbento ito ng dalawang japanese na may matatabang utak at naisipang gumawa ng libro na puno ng nakakatuwang mga tanong kung saan ang bawat sagot ay may kahulugan na kadalasan daw ay sumasalamin sa ating pagkatao. 

ang mga sagot mo raw sa mga tanong na ito ay nagpapakita ng mga hidden attitudes mo towards life, sex, money, work, family at kung anu-ano pa. sounds interesting,di ba?

isang kaibigan ang nag-introduce nito sa akin. nakakaaliw siya lalo na nung malaman ko ang meaning ng mga sinagot ko. 

simula nun eh naadik na ako sa kokology. bukod sa nakakaaliw eh nakaaliw talaga siya. hehe.

eto ilang samples na nakita ko sa internet. prepare a pen and a piece of paper.

warning: be honest sa mga isasagot niyo at tapusin niyo muna ang buong tanong bago mag-proceed sa answer key. enjoy! :)

-------------------

1.) Imagine there are horrible threatening monsters angrily rampaging the city, what do you think is the cause of their anger; why do you think the monsters are so furious?
a. They're hungry and looking for food
b. They're looking for their lost love
c.  They're just ugly monsters with a bad temper

d. They're angry because they finally got over a lost love

2.) You are walking in an art gallery. You stopped and stared at a picture for a long time, amazed and fascinated. What kind of picture is that?
a. Self-portrait
b. Parody version of something
c. Abstract
d. Painting of nature

3.) If you have a magical eraser that can erase anything, what would you erase?
a. Erase yourself
b. Erase your lover
c. Erase the third party


4.) Again, you are in an art gallery, the same one as before. While you are looking at that picture, a guy standing next to you is about to say something. What do you think would he say?
a.) "What a beautiful painting, don't you think?"
b.) "How do you like this painting?"
c.) "Excuse me; do you know what time is it now?"
d.) "You know, I'm the one who painted this picture"


5.) You are in a 5-star hotel room. You fell asleep and took a nap for a couple of hours. What do you expect to see outside the window once you wake up?
a. Midday sun shines above the marine blue sea
b. Dark blue sea reflects stars on the sky
c. Cold blue sea barely seen in the mist
d. The sun is setting where the sky and the sea meets


6.) You are a superstar  who is about to release a new album. What do you want for the album cover?
a. Beautiful landscape
b. Cartoonish picture
c. Abstract picture, some artistic stuff
d. Picture of yourself


7.) Your boss told you to cut a piece of paper into half. How do you like to cut it?
a. Cut it in straight
b. Cut it in wavy line
c. Cut it in zigzag line
d. Cut it in one curve line


8.) If you have to commit suicide, how are you going to do it?
a. Shoot yourself
b. Overdose yourself
c. Hang yourself
d. Jump off the building


9.) Which part of the cake you want to eat first?
a. The strawberry part
b. The "uneatable" decoration part
c. The sugary-decoration part
d. The Chocolate part
e. The decorating wafer part


10.) You are walking down the street and unintentionally kicked the garbage bin fall in a mess. What do you expect to see?
a. Nothing, the bin is empty
b. Just a garbage spread all over the street
c. Mostly food
d. All the garbage has already put neatly in a bag


11.) You are watching TV in the living room and decide it's time to go to bed. Entering the bedroom you see a snake on your bed; what are you going to do?
a. Run away
b. A bit shocked but not that scared. However, you have no idea what to do in this situation
c. A bit shocked but not that scared, so you immediately thought of getting it out of your room


12.) You are driving by the seaside. Seeing a beautiful landscape, you cannot help but pull off the car to draw this breathtaking view. How do you like to draw the palm tree at the right side of the paper?
a. Taller than the real one
b. Same height with the real one
c. Shorter than the real one


13.) You bought a chocolate-filled donut from the most famous bakery in town. Unfortunately, you realized that the one you've bought has nothing inside. What will you do?
a. Go back to the bakery and try to change it with a new one
b. Say to yourself "It happens" then finish the donut
c. Throw it away and buy something else
d. Find something to fill it to make it even more delicious


14.) There is an egg in front of you. What kind of egg is that?
a. Snake egg
b. Turtle egg
c. Dinosaur egg
d. Chicken egg

----------------------

Friday, August 05, 2011

may masabi lang....

kamusta! ang tagal ko na ring hindi nakapagsulat dito. masyado akong naging busy magpaka-busy. hindi ko na tuloy masyado naa-update itong blog ko. nakaka-miss magkwento at magsulat. at bilang sabado naman bukas at walang pasok, heto ako at muling magbabahagi ng mga kasabawan sa buhay.


-----


sigurado ako, marami sa inyo ang nakakakilala na kay Christopher Lao. siya yung lalaking nagalit sa mundo dahil hindi daw siya na-inform. para sa mga di nakakakilala, siya po yung laman ng mga blogs, Facebook, Twitter at umaani ng papuri at parangal sa Youtube ngayon dahil sa kasabawang ginawa niya: ang pagdaan sa isang malalalim na baha gamit ang kotse niya. resulta? lumutang ang kotse niya.


nakakatawa man yung ginawa niya, napatunayan kong kapag hindi ka na-inform, lulutang ang sasakyan mo sa baha. ay ewan. ayoko na nga mag-comment baka awayin pa niya ako. haha eto yung video...




------

kanina, habang nakapila ako sa paradahan ng tricycle ay napukaw ang aking paningin ng isang di ko maipaliwanag na imahe. haha.

di ko alam kung matatawa ako o mapipikon sa nakita ko.

naglalakad siya, isang tomboy, yung tipong nakasuot ng cargo shorts, gupit marino yung buhok, may belt bag at eto, wag ka, yung suot niyang t-shirt ang yumanig sa mundo ko. isang itim na statement shirt, ang nakasulat: "BABAERO". 

napangiti na lang ako. napatingin tuloy yung babae sa harapan ko. baka inisip nun baliw ako dahil ngumingiti ako mag-isa. :D

-----

PLANKING.

sino kaya nagpauso nun? bakit niya naisipang ipauso yun? anong klaseng kaligayahan kaya ang nadarama niya kapag ginagawa niya yun? 

yan ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko sa twing may nakikita akong taong nagpa-planking.

eto yung nauuso ngayon na may simpleng rule: dumapa kahit saan.

di ko talaga sila ma-gets. sila na ba ang pumalit sa ngayon ay nananahimik na mga jejemon? alagad ba sila ni PLANKTON ng Spongebob Squarepants? basta. naiirita ako kapag nakakakita ako ng mga pictures nila.

si kiko habang nagpa-planking. :D

-----

nung isang araw, inatake ako ng isang klepto.

badtrip pare. ang daming kinuha. yung mga vcd's ko na binili ko gamit ang sarili kong pera. note:hindi po porn yun.

bakit kaya may mga taong klepto? ang mahirap pa dun, kilala ko yung kumuha ng mga gamit ko. at ang malupit dun, kamag-anak ko pa. 

tinanong ko kung may kinuha ba siya. umamin naman siya pero ang rason niya sa akin, nakalimutan lang daw niya magpaalam dahil nagmamadali siya. ay potek. sabaw ng rason niya eh. 

hindi naman ako madamot eh, ang sa akin lang, basta magpapaalam. yung konting respeto dun sa may-ari. madami pa siyang kinuha eh, sinabihan ko na lang siya na isauli lahat ng kinuha niya lalo na yung Trilogy ko ng SCARY MOVIE. :|

-----

at dahil badtrip ako sa nangyari na yun, pumunta na lang ako sa Booksale noong isang araw. madalas akong tambay dun, naghahagilap ng mga magagandang librong pwedeng idagdag sa koleksyon ko.

at nasaktuhan ko naman na naka-display ang nag-iisa at bukod tanging kopya ng The Kite Runner ni Khaled Hosseini, isa sa mga paborito kong author. muntik pa ko makipag-away dahil sa libro na yun, buti na lang at nauna ko itong dinampot at hindi na binitawan. tiningnan na lang ako ng masama nung matandang sana ay kukuha nung libro. haha.


-----


madami pa sana ako ike-kwento pero tinatamad na ako eh. 


sa susunod na lang ulit. 


:D

Saturday, July 23, 2011

waiting...

Waiting is a mystery - a natural sacrament of life - there is a meaning hidden in all the times we have to wait. It must be an important mystery because there is so much waiting in our lives. Everyday is filled with those little moments of waiting, testing our patience and our nerves.

Saturday, July 02, 2011

kuya johnoy

bilang sabado naman ngayon at uso ang jamming sa mga bar, hayaan niyo akong ipakilala sa inyo ang isa sa mga pinakamalupit na pinoy singer na nakilala ko.


acoording kay DJ MO, siya ang "Philippines Best Kept Secret".


swabe kase ang boses niya. relaxing. masarap sa tenga.


tapos may mga cover din siya ng ilan sa mga paborito kong kanta at sigurado akong pamilyar din sa inyo.


o sige eto na, si Kuya Johnoy Danao!!!


(kung gusto niyo siya pakinggan, may podcast siya with DJ MO every sunday sa battleaxenetwork.com)



"LOVE THE WAY YOU LIE"


"THE MAN WHO CAN'T BE MOVED"


at ang sobrang cheesy niyang ORIGINAL SONG ang "IKAW AT AKO"



ENJOY!! :)

P.S madami pa siyang covers, search niyo na lang sa Youtube. :)

Monday, June 27, 2011

FHM

malapit ng lumabas ang July 2011 issue ng FHM at nakalagay na dun ang Top 100 sexiest pinay. 


according sa isang blog na nabasa ko, eto daw ang top 10.....

Tuesday, June 21, 2011

untitled

sometimes, even if we're surrounded by the people we know, we still feel alone. 
we feel empty.
as if something is still missing.
that no matter how much we laugh or talk, there's still a hole inside us that no amount of jokes or conversation can fill up.

at some point, we ask ourselves what's wrong but we find it hard to come up with an answer.
we begin to think that maybe something is wrong with us but we still try to convince ourselves that we're ok.

incomplete.
yes, that could be a perfect word to describe what we're going through.
we feel incomplete.
we're looking for that missing puzzle piece that'll make us complete.
we're yearning for that missing part.
we hope and pray that someday we'll be able to find that "someone".

at the end of the day, we all just want to be with that someone who'll make us feel perfect and complete.
that someone who'll cuddle us when we feel sad.
who'll give us a hug when the world has turned its back from us.
who'll tell us that everything's gonna be ok.
someone who'll accept us no matter how many flaws we have.
someone who'll love us unconditionally.

looking.
waiting.
hoping.

it's the least we can do for now.
and while that someone hasn't arrived yet, we'll still feel empty, hollow and incomplete no matter how much we deny it to ourselves.

Wednesday, June 15, 2011

tough 10

nag-survey ako ng 100 na tao(karamihan ay imaginary friends ko) at ang top 10 answers ay nasa baba, ang tanong: ano ang mga mahihirap/kinatatakutan na mga bagay o sitwasyon na kadalasang hinaharap ng tao?

Friday, June 10, 2011

silence

Silence by Selena Cross

At last I have clarity
It took a while, it took a long time
But now I can see

I learned to let go
It was the hardest lesson of all
But I gave you my love
In silence
Silence

There would come a time
In my life
When I'd face what was real
I turned a blind eye
I'd feed the lie
Too afraid to come clean

But I learned to let go
Although you would never know
That I gave you my love
In silence
Silence
Silence
Silence

But I learned to let go
It was the hardest lesson of all
Didn't you ever know?
I gave you my all
In silence
Silence


-----

ang galing nila, ang ganda pa nung kanta. -__-

Thursday, June 09, 2011

bulag o selfish?

disclaimer: ang inyong mababasa ay walang kinalaman sa akin. kwento ito ng isang taong malapit sa akin at ang aking pananaw tungkol dito. ang mga pangalan ay binago para sa kapakanan ng biktima. lol. :D

Monday, June 06, 2011

imma fan

fan ako ni Airto, isang underrated singer sa Youtube. ang ganda ng mga cover niya, nagiging soulful yung mga kanta kaya lalong gumaganda.

eto ang ilan sa mga favorite songs ko na ginawan niya ng astig na cover.

breaking dawn

to all twilight fans, lumabas na ang official trailer ng Breaking Dawn Part 1. hinati sa dalawang parts ang movie at ipapalabas sa November 18, 2011 ang part 1. nabasa ko ito eh, at isa ako sa mga nag-aabang ng "honeymoon scene" nila edward at bella. malupit kase ang pagkakalarawan sa libro eh. alam nyo na yun. pero syempre, kadalasan, hindi nasusunod ang nasa libro. pero abangan na lang natin kung paano ginawa ng direktor yun. haha


eto na ang trailer.....