Tuesday, March 01, 2011

ang susunod na post ay di angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.

mahilig akong manood ng mga pelikula. horror. suspense. drama. comedy. adventure. sci-fi. indie. porn. kahit ano. basta nakakalibang at pamatay oras.

isang beses sa buhay ko naisipan ko rin sumulat ng mga kwentong pwedeng gawing pelikula. pero hanggang sa isip na lang yun dahil tinamad ako dahil una, alam kong mahaba yun at pangalawa, nakakagutom mag-isip. kaya nauwi na lang ako sa pag-iisip at pagsasaliksik ng mga "titles" ng mga pelikula.

note: kung ikaw ay 18 years old pababa, ngayon pa lang ay pindutin mo na ang "X" button sa upper right ng screen mo dahil maselan ang mga susunod na isusulat ko o kaya ay isarado mo ang kanang mata mo habang dilat naman ang kaliwa.

suggested titles ng mga pelikulang pwede ilaban sa Metro Manila Film Festival:

1. “Ang Sabi Mo’y Hihipuin Mo Lamang”
2. “Basa Na Ang Peklat Nang Aking Masalat”
3. “Bukas, Luluhod Ang Mga Bakla”
4. “Pinoy Hulk: Palaki Ng Palaki Habang Nagagalit”
5. “Gaano Man Kasikip, Kaya Ko Pa Ring Isiksik”
6. “Umaga Na Ng Hinugot”
7. “Ang Susong Hinipo Ni Adan” (The Snail That Adam Touched)
8. “Budburan Mo Ng Niyog Ang Mainit Kong Pichi-Pichi”
9. “ Sa Tindi Ng Dilim, Nalusutan Ng Bading”
10. “Manila Bi Night: Ang Str8-Curious Ng Malate”
11. “Nang Bumukaka Ang Pusit, Biglang Pumulandit”
12. “Ang Kati Ng Higad Mo”
13. “Mainit Pa Ang Gatas Ni Lucas”
14. “Luha Sa Dulo Ng Batuta”
15. “Brittle Pa Ba Ang Peanut Mo?”
16. “Sawsawan Ni Tentay”
17. “The Flowering Of Diego Binayagbag”
18. “Lasapin Mo Ang Katas Ng Matamis Kong Prutas”
19. “Makipot Man Ang Daan, Susuko Din Ang Bataan”
20. “Iputok Mo Sa Labas: Happy New Year!”
21. “Lunukin Mo Ang Mainit Kong Sabaw”
22. “Sobra Sa Subo…Ubo, Ubo, Ubo”
23. “Unang Sirit”
24. “Napagod Ang Bunganga Sa Laki Ng Tilapia”
25. “Ulo Pa Lang, Ulam Na!”
26. “Lawayan Mo, Baka Mausog”
27. “Kapag Gumabi, Bubuka Ang Kabibe”
28. “Wag Mong Kamayin, Baka Mapanis”
29. “Nang Binuklat Ang Aklat Ni Sabel”
30. “Huling Landi Ni Lola”
31. “Damang-dama Ko Ang Galit Mo”
32. “Pagod Na Si Inday, Gusto Pa Ng Panday”
33. “Ako’y Magbabaging Sa Mahaba Mong Saging”
34. aKinuyakoy Ni Kokoy Ang Kuweba Ni Eba”
35. “Mga Halinghing Sa Lumang Kubeta”
36. “Kainin Mo Hangga’t Gusto Mo”
37. “Nasan Ang Tigas Mo?”
38. “Madaling Labasan” (Easy Exit)
39. “Nang Taktakin Ni Yaya Ang Bulalo Ni Koya”
40. “Wag Mong Ibabad, Isawsaw Mo Lang!”
41. “Jack, Call Me Naman!”
42. “Pag Basa Na Ang Bibingka, Matigas Na Ang Tikoy”
43. “Diko, Dikya Ko Yan!”
44. “Kapag Ang Itlog Naging Pula…May Kumamot!”
45. “Dugo At Pag-ibig Sa Kapirasong Banig”
46. Titimbangin Ko, Kikiluhin Mo”
47. “Nang Tumalik Ang Nata Ni Cocoy”

sana kahit isa lang diyan maging pelikula talaga, masaya na ako.  :)


unang putok

dahil March 1 ngayon at tambay na ulit ako, naisipan kong buhayin ulit ang blog ko. tutal madami na naman akong free time para sumulat at magkwento ng mga kung anu-anong bagay na pumapasok sa sinabawan kong utak.

yung totoo, mahilig talaga akong sumulat. kahit ano. kwento. tula. kanta. sanaysay. sumulat sa mga bus at mga kubeta. at kung anu-ano pang maisipan ko. minsan nga nagtataka ako kung bakit nursing ang kinuha kong course eh wala namang kinalaman dun yung mga hilig ko sa buhay. yaan mo na. ngayon pa ba ko magrereklamo kung kelan may lisensya na ako. :)

bakit sabaw ang pangalan ng blog ko? wala lang. na-inspire kase ako sa pangalan ng grupo ng mga korean teachers kung saan kabilang ang inyong abang lingkod. sabaw. hindi yung sabaw na libreng binibigay sa mga karinderya at hinihigop kapag gusto mong mainitan. 

sabaw adj. - isang estado ng kaisipan kung saan wala sa tamang pagiisip ang isang tao.

halimbawa:

boy1: tol, may hawak akong 2 apple sa kanan at 3 apple sa kaliwa. ilan lahat ang apple ko?

boy2: <tulo laway>

boy1: sabaw ka pare!

welcome sa mundo ko. dito masaya lang tayo. enjoy. steady lang. kung minsan may halong drama pero sakto lang. 

tara na at sabay sabay tayong magpakasabaw. :)