Wednesday, March 02, 2011

ang sakit ni boy sabaw

may sakit ako. 

tingin ko medyo malala na. pero dati nawala na to eh, bumalik lang ulit ngayon.

hindi naman siya nakakahawa eh. tingin ko naman may ganito ka ring sakit. hindi mo lang siguro napapansin. 

obsessive-compulsive disorder. o mas kilala sa tawag na OC-OC. positive ako diyan.

nagsimula ang lahat ng iyan nung high school ako. pero dahil medyo matagal na yun at wala na ako halos matandaan, skip na lang ako sa present.

paano ko nasabing oc-oc ako? madami na akong nabasang mga sintomas ng pagiging oc-oc sa libro o internet. at halos karamihan dun ay meron ako. (habang tina-type ko yung huling sentence na yun eh nagulo sa pagkakaayos yung baryang maayos kong sinalansan kanina, inayos ko ulit, kelangan pantay)

eto ang ilan sa mga pagpapatunay na oc-oc ako.

note: hindi po ito gawa-gawa o exaggeration, totoo ko po itong nararanasan. 

1. kapag ila-lock ko ang gate namin, nagbibilang ako ng 1-10 ng tatlong beses para masigurong na-lock ko talaga.

2. may pangalan kase yung kumot ko. ang gusto ko kapag gagamitin ko yun, yung pangalan ko eh hindi nakabaliktad. kelangan mababasa ng taong titingin sa kumot ko yung pangalan ko. gets?

3. nakaayos from biggest to smallest ang mga libro ko.

4. nakatiklop ang pera ko sa wallet sa paraang nakaharap ang mukha ng mga presidente sa akin.

5. kapag nanonood ako ng tv, gusto ko nasa kanan yung remote at nasa kaliwa naman yung cell phone ko.

aw. ilan lang yan sa mga ka-oc-oc-an ko. nabawasan na nga yan kahit paano. marami pa ako dati. napigilan o pinipigilan ko lang. kahit mahirap. parang pinipigilan mo yung utot mo na huwag lumabas. 

sabi nila, isa sa mga solusyon para malabanan ang sakit na ito eh ang matutuhan mong kontrolin ang sarili mo sa paggawa ng mga bagay na minsan eh di na normal.  oo mahirap. pero kelangan gawin.

hindi ako baliw. oc-oc lang talaga. ikaw din naman oc-oc, di mo lang napapansin. haha. :)


tuwing umuulan at kapiling ka.

isa sa mga pangarap ko eh ang makapanood at makapasok sa isang comedy bar. sabi kasi nila doon daw patay sindi ang ilaw, may mga sumasayaw na babaeng bubbles lang ang suot at mga bebot na pwede mong i-table. oops. ibang bar pala yun. sorry pfouhz. :)


eto seryoso na. sabi nila masaya daw manood sa comedy bar. [eh kaya nga comedy bar eh, alangan namang mag-iyakan sila dun. shabaw ka kiko!] tatawa ka ng tatawa hanggang sa mautot ka. malilimutan mo kahit sandali ang mga problema mo. at magagaling magpatawa ang mga stand-up comedians. isang beses nga napag-planuhan namin ng mga kaibigan ko manood sa Sitcom Las Pinas. ayun. hanggang ngayon plano pa rin sya.


yung totoo, bilib ako sa mga stand-up comedians. kahit na ganun ang mga itsura nila eh matatalino sila. impromptu ang batuhan ng jokes at laitan. witty ika nga. siguro nahasa na rin yung mga skills nila sa pagpapatawa habang tumatagal. pero di biro ang magpatawa ha. isa kaya yun sa mga pinakamahirap gawin. nandiyan yung halos tumambling ka na sa stage mapatawa mo lang yung audience mo. o kaya kelangan mo mag-isip ng pinakamabentang jokes para gumulong sa kakatawa ang mga manonood. bow ako sa kanila.


anong point ng post ko na 'to? wala lang. nag-isip lang ako ng intro para ipanood sa inyo ang isa sa mga mabentang videos ni K Brosas na isa ding stand-up comedian. ang benta lang kase sa akin. tawa ko ng tawa nung napanood ko to. sana benta din sa inyo. :)