Wednesday, March 23, 2011

"Andoy" part 3

8:45 p.m


Mabuti na lang at nakakatawa ang mga contestants ng Willing Willie kaya kahit paano ay nawala ang takot na nararamdaman ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at pinagmasdan ito. Ano na bang nangyayari, parang nagsimula lahat ng ito nung nilagay ko ang simcard ni Andoy at nabasa ko yung chain message. Tiningnan ko ulit ang contacts. Nagulat ako ng makita kong may naka-register na. Maria ang pangalan pero walang number. Lalo akong nagtaka  nung tiningnan ko ang inbox. nandun pa rin yung chain message na binura ko kanina. Napaisip ako, may sa demonyo ba itong simcard na to? Tinitigan kong mabuti ang phone baka sakaling may mangyaring kakaiba. Napatalon ako sa gulat ng biglang nag-ring ang telephone namin. Shit naman. Napahawak ako sa dibdib ko. Tumayo ako para sagutin ito.