Thursday, May 19, 2011

the wedding

"handa kong yakapin at ipagsawalang-bahala ang sakit na nadarama ko makita lang kitang masaya, kuntento at malaya."


---------

pinagmasdan ko muna ang gown na nakalatag sa kama ko. ang bilis talaga ng panahon. isang taon na pala ang nakakalipas. huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang sulat katabi ng gown at muling binasa ang nilalaman nito. 

halong lungkot at saya ang nadarama ko sa tuwing tatama ang mga mata ko sa pangalang nakalimbag sa liham. alam ko na sa pagtanggap ko ng liham na ito ay parang niyakap ko na rin ang sarili kong kasawian. alam kong hahantong sa ganito, pero ipinaglaban ko siya at gaya ng kahit na sinong minsang nagmahal at lumigaya, ang hangad ko lang ay ang kaligayahan niya. inilapag ko ang sulat at kinuha ang gown. oras na.

----------

"masaya ako na nakilala kita, Lui.", bulong ni Isabel habang mahigpit na nakayakap kay Lui. sabay nilang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"kahit ako, malaki ang pasasalamat ko na nakilala kita. sweet na, maganda pa, mabait pa." tugon ni Lui.

"asus, nambola pa.", sagot ni Isabel.

"Isabel, mahal na mahal kita.", bulong ni Lui.

bumitaw sa pagkakayakap si Isabel at napatingin kay Lui. nagkatitigan sila.

"wala akong pakialam sa sasabihin nila. handa kong tanggapin lahat ng panlalait nila. hindi ako makikinig sa mga paninira nila. mahal kita isabel at sapat na yun para ipagpatuloy ko ang pakikipaglaban para sa'yo.", wika ni Lui.

napangiti si Isabel kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. wala pang kahit na sino ang nagsabi sa kanya ng mga ganoong bagay at ramdam niya ang sinseridad ni Lui sa bawat salitang binitawan niya. muli niyang niyakap si Lui.

"minahal mo ako higit sa kung ano ang nakikita ng mga mata mo. at mahal kita higit sa kahit na anong salita na pwedeng maglarawan ng nadarama ko sa'yo. habang buhay kong panghahawakan ang mga sandaling ito.", wika ni Lui.

halik ang naging tugon ni Isabel. At ng mga sandaling iyon, tanging pag-ibig ang yumakap sa kanilang dalawa kasabay ng pagyakap ng mga alon sa buhangin ng dalampasigan.

----------

pagdating ko sa simbahan ay halos nandoon na lahat ng bisita. nakapila na ang mga abay maliban sa akin. nakita ko siya; masaya at maaliwalas ang mukha. may naramdaman akong tila tumusok sa kaibuturan ko. ngumiti ako at pilit na ikinubli ang sakit na nadarama ko. huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya.

"uy, congrats!", bungad ko.

napangiti siya at niyakap ako. biglang bumalik sa alaala ko ang mga tagpo nung hapon na iyon. sandali kong nalimutan na ngayon ang araw ng kasal niya.

"salamat at nandito ka, hindi kumpleto ang kasal kapag wala ka", bulong niya.

hinawakan ko ang mga kamay niya. isa sa mga pinakamasakit na bagay sa mundo ay ang magpanggap na ayos ka lang kahit na sobrang nasasaktan ka na at sabihin na masaya ka para sa taong pinakamamahal mo kahit na lumuluha ang puso mo.

"masaya ako para sa'yo", tugon kong nakangiti.

"alam ko", tugon niya.

tumalikod na ako at nagtungo sa pila ng mga abay. oo, abay ako sa kasal ng taong pinakamamahal ko.

----------

"makikipaghiwalay ka sa akin?" tanong ni Lui.

nakayuko si isabel, tahimik at umiiyak.

"bakit Isabel? hindi pa ba sapat na sobra kitang mahal?" tanong ni Lui.

"na sa sobrang pagmamahal mo sa akin ay nakalimutan mo na ang sarili mo at nasasakal na ako. nasasaktan ka na sa sobrang pagmamahal mo sa akin" tugon ni Isabel.

natahimik si Lui.

"patawad Lui. hindi ako nagsisisi na minahal kita at nagpapasalamat ako na minahal mo ako pero nasasaktan na ko para sa iyo dahil sa mga salita na natatanggap mo mula sa iba. alam kong nasasaktan ka at hanga ako sa kung paano mo ito tinatago pero tama na. isipin mo naman ang sarili mo. i'm sorry Lui." wika ni Isabel sabay yakap kay Lui.

walang naging tugon si Lui kundi ang walang tigil na pagtulo ng mga luha niya. sa mga oras na iyon ay hindi niya nagawang ikubli ang matinding sakit na nadarama.

"tandaan mo na hindi ko iniisip na pagkakamali ang pagmamahalan natin. gusto ko muna maging malaya. gusto ko ring maranasan mong hindi nakakatanggap ng masasakit na salita mula sa iba. nasasaktan ako para sa'yo" wika ni Isabel.

"Isabel, mahal kita, at kahit masakit, kahit mahirap tanggapin, handa akong pakawalan ka maging masaya ka lang. naging bato na ako sa mga masasakit na salitang natatanggap ko pero mas lalo akong naging matatag dahil sa pagmamahal mo. mahal kita at salamat dahil dumating ka sa buhay ko." tugon ni Lui.

----------

nagumpisa na ang kasal at nagsimula nang lumakad ang ibang abay. bago ako lumakad ay lumingon muna ako sa kanya. ngumiti siya sa akin. dahan-dahan akong lumakad patungo sa altar hanggang sa kung saan ako dapat nakapwesto.

sandali pa ay siya naman ang lumakad. napakaganda niya sa suot niyang puting trahe de boda. lahat ng mga mata ay nasa kanya. siya na marahil ang pinakamgandang babae sa araw na iyon.

napalingon ako kay Rommel, ang mapapangasawa ni Isabel, lumuluha siya sa labis na tuwa.

pagtapat sa akin ni Isabel ay niyakap niya ako. 

"ang ganda mo sa suot mo, Luisa!" bulong niya.

nagkangitian kami. sandali pa ay pumunta na siya kay Rommel at nagtungo sa altar para manumpa ng wagas nilang pagmamahalan.

----------
someone like you by adele


12 comments:

  1. IS IT WRITTEN BY YOU? IT'S EXCEPTIONAL!

    ReplyDelete
  2. natatawa ako sa ginawa ko. haha o__o

    ReplyDelete
  3. @anonymous- yes. who are you? :D

    ReplyDelete
  4. bakit naman? paksyet yung twist! nanlaki mata ko! kaya pala!

    ReplyDelete
  5. @anonymous2- hehe. ok ba yung twist? sino ka pala para mabati kita. :D

    ReplyDelete
  6. OH, JUST A RANDOM STALKER. NOTHING CREEPY 'BOUT ME THOUGH. :)

    ReplyDelete
  7. ok. thanks "random stalker". hahaha :D

    ReplyDelete
  8. hanep. may stalker ka na.

    pero utang na loob, kung sino ka man, wag ka magpakaanonymous. ako pinagbibintangan. lumalaki ulo ng kaibigan ko.

    verge, ikaw ba yan? :))))

    ReplyDelete
  9. @summer- haha kung si verge yun, ititigil ko na tong blog ko. hahahaha

    ReplyDelete
  10. hanip lumelevel up na! nd lang basta stalker yan kundi RANDOM stalker! hahaha-david

    ReplyDelete
  11. kiko. si fat to. since di ako makapag log in sa google account ko nag anon ako. pero ako to!!! :))


    kiko ang sakit. ang sakit sakit ng story mo. alam mo kiko, ipagpatuloy mo ung pagsusulat it doesnt matter if youll make money out of it. you can touch people kiko, MAY TALENT KA KIKO!!! AS IN MERON!!! kung gusto mko takutin natakot ako napatawa mko ahmmm ewan ko ba naun sobrang nagmumuble ako ng sasabihin ko kasi kanina pako nag crayolaaaa. totoo ramdam ko as in nakakahart sheeeeeeeet. im just so overwhelmed. shit kiko shit. pwde tong editorial sa isang magazine na social awareness or whatever kiko!!!!! shit lang GALING. i love you. GALING NG BESTFRIEND KO SHIT LANG SHIT!! 00000FAAAAATIMAAAAAA TO AH

    ReplyDelete
  12. awwwww. maraming salamat fat. nagulat naman ako sa comment mo. :)

    ReplyDelete