Thursday, June 07, 2012

hinaing

payapa
sa paglalakbay sa buhay
madalas paghihirap ay kaagapay
pero sa buhay na aking tinatahak
madalas ako'y tinutulak
papalayo...
mag-isa...
di makatayo...
walang kasama...

minsan nais kong maging bingi
upang di marinig ang inyong pagkutya
minsan nais kong maging pipi
upang di makapagsalita
ngunit puso ko'y nagnanais
ilabas lahat ng aking pagtitiis
sa katahimikan ko lamang madarama
tunay na ligaya at payapa

sa aking isipan binubuo
mundong aking kalalagyan
sa mundong lahat ay tahimik
sa mundong lahat ay walang pakialam
ito ang kaharian ko
kaharian ng walang malay
walang gulo...
walang kayo...
at walang ako...

2 comments: