Saturday, March 05, 2011

boy sabaw meets tito bhoy. part 1

tito bhoy: nandito po tayo sa the buzz with an exclusive interview to one of the cutest blogger sa net. kiko. kamusta ka kiko?
kiko: ok naman po ako tito bhoy.


tito bhoy: kamusta ang buhay?
kiko: sa ngayon po steady lang. eto busy sa blog. tapos na rin po yung contract sa korean school na pinasukan ko kaya tambay po ako ngayon sa bahay.


tito bhoy: wala ka bang balak humanap ng trabaho ulit?
kiko: meron po. bale nagpahinga lang ako ngayong week tapos po next week maghahanap na po ako ng trabaho. bilang nurse na po. 


tito bhoy: that's good. ngayon kiko, i heard about this news na umiyak ka daw nung isang beses na nalasing ka? gaano ito ka-totoo?
kiko: (tawa) naku, paano po nakarating yang story na yan sa inyo? (tawa ulit) well, totoo po iyon. dahil po sa epekto ng alak kaya napa-iyak po ako. 



Wednesday, March 02, 2011

ang sakit ni boy sabaw

may sakit ako. 

tingin ko medyo malala na. pero dati nawala na to eh, bumalik lang ulit ngayon.

hindi naman siya nakakahawa eh. tingin ko naman may ganito ka ring sakit. hindi mo lang siguro napapansin. 

obsessive-compulsive disorder. o mas kilala sa tawag na OC-OC. positive ako diyan.

nagsimula ang lahat ng iyan nung high school ako. pero dahil medyo matagal na yun at wala na ako halos matandaan, skip na lang ako sa present.

paano ko nasabing oc-oc ako? madami na akong nabasang mga sintomas ng pagiging oc-oc sa libro o internet. at halos karamihan dun ay meron ako. (habang tina-type ko yung huling sentence na yun eh nagulo sa pagkakaayos yung baryang maayos kong sinalansan kanina, inayos ko ulit, kelangan pantay)

eto ang ilan sa mga pagpapatunay na oc-oc ako.

note: hindi po ito gawa-gawa o exaggeration, totoo ko po itong nararanasan. 

1. kapag ila-lock ko ang gate namin, nagbibilang ako ng 1-10 ng tatlong beses para masigurong na-lock ko talaga.

2. may pangalan kase yung kumot ko. ang gusto ko kapag gagamitin ko yun, yung pangalan ko eh hindi nakabaliktad. kelangan mababasa ng taong titingin sa kumot ko yung pangalan ko. gets?

3. nakaayos from biggest to smallest ang mga libro ko.

4. nakatiklop ang pera ko sa wallet sa paraang nakaharap ang mukha ng mga presidente sa akin.

5. kapag nanonood ako ng tv, gusto ko nasa kanan yung remote at nasa kaliwa naman yung cell phone ko.

aw. ilan lang yan sa mga ka-oc-oc-an ko. nabawasan na nga yan kahit paano. marami pa ako dati. napigilan o pinipigilan ko lang. kahit mahirap. parang pinipigilan mo yung utot mo na huwag lumabas. 

sabi nila, isa sa mga solusyon para malabanan ang sakit na ito eh ang matutuhan mong kontrolin ang sarili mo sa paggawa ng mga bagay na minsan eh di na normal.  oo mahirap. pero kelangan gawin.

hindi ako baliw. oc-oc lang talaga. ikaw din naman oc-oc, di mo lang napapansin. haha. :)