Friday, June 03, 2011

the biggest loser


siya si Olivia Ward, ang winner ng The Biggest Loser season 11 sa U.S. yan ang kanyang before and after picture pagkatapos pumasok sa the biggest loser camp at sumailalim sa intensive training sa loob ng ilang buwan.

medyo napanganga ko sa gulat dahil hindi ako makapaniwala na papayat siya ng ganyan. ang galing.

kasalukuyan namang pinapalabas ngayon sa abs-cbn ang pinoy edition ng the biggest loser.

-----

para sa akin, panalo ang idea ng programang ito.

mula sa pananaw ng isang payat na kagaya ko, mahirap maging mataba. madami kang maririnig na panlalait at pangungutya mula sa iba. madalas pa, kinakain ka ng sarili mong mga insecurities. isa pa, maraming health problems din ang kakambal ng pagiging mataba, nandiyan ang diabetes, heart disease at marami pang iba.

hanga ako sa mga contestant na sumasali dito, lalo na sa mga kababayan natin na kasali ngayon sa pinoy edition. nilunok nila ang pride at hiya sa katawan para lang makamit ang pagbabago na gusto nila.

3 days pa lang ako nanonood nito pero natutuwa ako sa bawat episode. makikita mo talaga yung determination at sakripisyo na ginagawa ng mga contestant para lang pumayat. karamihan sa kanila, ginagawa ito para sa pamilya, asawa, anak at higit sa lahat para sa sarili nila.

madami ring lessons ang mapupulot ng mga viewers dito. para sa akin ito ang ilan.

1. yung handa mong yakapin yung pangit sa sarili mo at gamitin ito bilang inspirasyon sa pagbabago na gusto mo.

2. yung tapang na humarap sa pagbabago. hindi lahat kaya yun.

3. na kadalasan ang pinakamatindi mong kalaban ay ang sarili mo. nasa isip mo lang naman lahat eh. 

4. tinuturuan tayo magkaroon ng healthy lifestyle sa pamamagitan ng mga contestants, payat ka man o mataba.

5. na lahat ng bagay ay pinaghihirapan. walang kahit na ano man ang makukuha sa madaling paraan.

-----

astig nga yung title eh, akala mo show siya ng mga "loser o talunan" pero sa totoo, show ito ng mga panalo at matatapang na indibidwal.

sana, magkaroon din ng show para sa mga payat tapos papatabain naman at pagagandahin ang katawan. ako ang unang pipila sa audition pag nagkataon. hahaha. 

:)

No comments:

Post a Comment