may isa nga dun, isang Amerikano na nakapangasawa ng Pinay ang kumanta ng "Bakit Pa Ba?" ni JR. para sa nagtatanong kung ano yung "Bakit Pa Ba?" it goes something like this.....
ehem. "bakit pa ba nagawa na saktan ko ang isang tulad mo na labis na nagmamahal.." sigurado akong alam niyo rin yan at nakanta niyo na sa videoke yan isang beses.
yung isa naman dun, amerikano din, ay nag-compose pa ng kanta na may pinaghalong tagalog at english yung lyrics. astig.
pero ang tumatak sa akin ay ang isang choir mula amerika na inawit para sa isang competition ang isa sa mga folk songs natin. ang "Paru-parong Bukid". seryoso natawa talaga ako. hindi ko akalain na kaya palang kantahin ng mga kano ang isang tagalog song. and wait there's more, nilagyan pa nila ito ng choreography na tatak pinoy din. ang cute nga eh. ang balita ay may kaibigang pinoy yung conductor ng choir at ito yung nagturo at nag-guide sa kanila para matutunan ang kanta natin. astig di ba.
narito ang video ng nasabing choir....
Paru Parong Bukid
Katutubong Awitin / Folk Songs
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa mandin — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad na pakendeng-kendeng.
ayon din sa conductor, kaya nila napili ang "Paru-parong bukid" dahil maganda daw ang rhythm ng kanta pati yung phrasing ng mga words na makakatulong daw para maging mas magaling yung choir.
galing di ba!! sana bahay kubo naman yung susunod. :D